PORK with BABY POTATOES and MILK
Nag-marinade ako ng 1 kilo ng pork butterfly sa toyo, calamansi at paminta. Ang balak ko sana magluto ng pork steak para sa dinner naming at pambaon na din ng mga bata.
Kaya lang nung lulutuin ko na nag-dalawang isip ako kung ganitong luto pa rin ang gagawin ko. Medyo makapal kasi ang pagka-butterfly ng karne at pangalawa parang kakatapos lang naming mag-ulam ng bistek. Papaano yun na-marinade ko na yung karne?
At eto na nga ang kinalabasan ng dapat sana ay pork steak. Hehehehe
PORK with BABY POTATOES and MILK
Mga Sangkap:
1 kilo Pork cut into cubes
8 pcs. Calamansi
¾ cup Soy sauce
1 tsp. ground pepper
200 grams Baby potatoes (hugasang mabuti para maalis ang mga lupang naka-kapit sa balat)
1 cup full cream milk
5 cloves minced garlic
1 large onion chopped
2 tbsp. butter or cooking oil
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta, at calamansi juice. Hayaan ng mga 1 oras. Mas matagal mas mainam.
2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
3. Ilagay ang karne ng baboy kasama ang marinade mix. Takpan at hayaang maluto. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malapit ng lumambot ang karne, ilagay ang baby potatoes. Halu-haluin.
5. Kung luto na ang karne at baby potatoes, ilagay ang gatas at hayaan kumulo ng mga 2 minuto.
6. Tikman at i-adjust ang lasa ayon sa inyong panlasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments