SARCIADONG GALUNGGONG with a TWIST
Ang sarciado ay isang klase ng lutuin na ang ibig sabihin ay lutuin sa malapot na sarsa o thick sauce. Ito ay nagmula sa salitang kastila na sarza.
Sa ating mga Pilipino, pagsinabing sarciado, ang unang pumapasok sa isip natin ay isa itong lutuing isda na may na ginisa sa kamatis. Sa net ko na lang nalaman na maaari din palang gamitin ang klase ng lutuin ito sa baboy man, manok o baka. So far, sa isda ko pa lang ito natitikman.
Sa entry natin for today, nilagyan ko ng twist ang aking sarciado. At hindi naman ako nagkamali. Nagong mas masarap at malinamnam ang kinalabasan ng aking niluto. Dagdag na rin ang paglalagay ko ng nilagang itlog sa ibabaw para ma lalong maging katakam-takam. It's a hit sa aking mga anak.
SARCIADONG GALUNGGONG with a TWIST
Mga Sangkap:
1/2 kilo Galunggong
1/2 kilo Kamatis chopped
1 tsp. Dried Basil
4 cloves minced garlic
1 large chopped onion
1 egg beaten
salt and pepper to taste
1 tsp. maggie magic sarap
cooking oil
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang isda at asinan. Ilagay sa isang lalagyan.
2. I-prito ang galunggong sa kumukulong mantika hanggang a maluto.
3. Sa isa pang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at ginayat na kamatis. Halu-haluin. Maaring lagyan ng tubig habang dinidurog ang kamatis.
4. Timplahan ng asin, paminta, dried basil at maggie magic sarap.
5. Ilagay na din ang binating itlog ta halu-haluin.
6. Ihalo sa ginisang kamatis ang pinirtong isda at hayaang matakpan ang isda ng sarsa. Hayaan ng mga 2 minuto. Sa pamamagitan nito masisipsip ng isda ang lasa ng ginisang kamatis.
7. Hanguin at ilagay sa isang lalagyan.
8. Ilagay ang nilagang itlog sa ibabaw to garnish.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Nasaan ang twist? Ofcourse yung paglalagay ko ng nilagang itlog sa ibabaw....hehehehe. No, yung paglalagay ko ng dried basil ang twist. Naging parang may dating na italian ang lasa nung nilagyan ko nito. Naiba talaga ang lasa ng ordonaryong sarciado. Try nyo rin.
Comments