SHRIMP and BACON PASTA


Ang entry natin for today ay isa sa mga niluto ko at inihanda nitong nakaraang Pasko para sa aming Noche Buena. Actually hindi ko alam kung may ganito talagang lutuin na pasta. Basta pinaghalo-halo ko lang ang mga sangkap na lam kong masarap and yun na. Para siyang carbonara pero may lahok na fresh basil at hipon. Pero alam nyo it's a hit sa aking mga anak. Sabagay, wala namang hindi masarap sa mga anak ko....hehehehe. Try it! madali lang itong lutuin.


SHRIMP and BACON PASTA



Mga Sangkap:

1 kilo Spaghetti pasta cooked al dente

1/2 kilo Shrimp shelled

250 grams. Bacon chopped

1 big can Alaska Evap milk (red label)

1 tetra pack All purpose cream

1/2 bar Butter

1 cloves minced garlic

1 large onion chopped

1/2 cup Fresh basil leaves chopped

1 cup grated cheese

Salt and pepper to taste



Paraan ng pagluluto:

1. Lutuin ang pasta ayon sa tamang paraan. I-drain at ilagay sa isang lalagyan. Ilagay ang kalhati ng butter at halu-haluin.

2. Sa isang kawali o sauce pan, i-prito ang bacon sa kaunting butter hanggang sa matusta ito. hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin.

4. Ilagay ang hipon at chopped basil leaves at timplahan ng asin at paminta. Hayaan ng mga 1 minuto.

5. Ilagay na din ang alaska evap at all purpose cream. Ilagay na din ang 1/2 cup na grated cheese.

6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. maaring lagyan pa ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.

7. Ibuhos ang sauce sa nilutong pasta at halu-haluin hanggang sa ma-coat ang lahat ng pasta sa sauce.

8. Isalin sa isang lalagyan at lagyan ng grated cheese at piniritong bacon sa ibabaw.



Ihain habang mainit pa.



Enjoy!!!!






Comments

cool fern said…
sarap nito,dennis...
happy new year uli..
Dennis said…
This dish is really something very special para sa okasyon....

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy