SINIGANG NA SUGPO SA KAMIAS
Bukod sa Adobo, ang sinigang marahil ang isang pagkain na pinoy na pinoy talkaga ang dating. Katulad ng adobo, maraming variety ang sinigang depende na rin kung saan ka nakatira o ang iyong lokasyon.
Lahat marahil ng pwedeng kainin ay pwedeng isigang. Mapa baboy man o baka, manok man o isda, lahat na ito ay pwedeng-pwedeng isigang.
Maraming pang-asim na pwedeng gamitin sa pagsisigang. Pangkaraniwan na dito ang sampalok. Pero sabi ko nga ang pang-asim na ginagamit ay depende sa lokasyon o lugar. Katulad sa amin sa Bulacan, marami sa aming puno ng sampalok so pangkaraniwan sa amin na ito ang ginagamit sa sinigang. Pwede din ang bunga ng santol o kaya naman ay calamansi. Pwede din ang bayabas o kaya naman ay balimbing. Sunod siguro sa sampalok ay ang kamyas. Ito ang ginamit kong pang-asim sa entry natin for today. Tamang-tama ito sa sugpo na nabili ko at ito nga ang aking isinigang na ulam naming nitong nakaraang gabi.
SINIGANG na SUGPO sa KAMYAS
Mga Sangkap:
1 kilo medium size Prawn or Sugpo
250 grams Bunga ng Kamyas
1 taling kangkong
1 pc. Labanos (hiwain ng pabilog)
1 taling Sitaw (hiwain ng mga 2 inches ang haba)
3 pcs. Siling pangsigang
2 pcs. Kamatis quatered
1 pc. Onion quartered
Salt and patis to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola magpakulo ng tubig at ilagay ang kamyas, sibuyas, kamatis, labanos, siling pangsigang at sitaw. Lagyan ng kaunting asin. Hayaang kumulo hanggang sa lumabot ang kamyas.
2. Hanguin ang mga kamyas sa isang bowl at durugin ito hanggang sa lumabas ang katas. Ibalik muli ito sa kaserola ng sinigang.
3. Kung malapit ng maluto ang mga gulay, ilagay na ang sugpo o hipon.
4. Timplahan ng asin at patis ayon sa inyong panlasa.
5. Ilagay panghuli ang talbos ng kangkong. Hayaan pa ng mga 2 minuto o hanggang sa maluto na ang kangkong.
Ihain habang mainit pa ang sabaw. Hanguin din ang siling pangsigang at piratin sa patis para maging sawsawan.
Wow! Siguradong marami kayong makakain sa ulam na ito.
Enjoy!!!!
Comments