STIR FRY FISH and STRING BEANS in HOISIN SAUCE
Dahil sa food blogging kong ito natuto akong gumamit ng mga herbs, not so common spices at mga sauces. Isa na dito ang Hoisin sauce. Sa China ang origin ng sauce na ito. Madalas gamitin nila ito as a dipping sauce o kaya naman ay sa mga stir fry na pagkain katulad ng gulay.
Mapapansin nyo siguro, marami na rin akong dish na nai-post dito na may sangkap na hoisin sauce. Masarap naman kasi talaga kaya naman nawiwili akong gumamit nito palagi. kahit nga mga anak ko nagugustuhan nila ang luto ko na may ganitong sauce.
Katulad ng recipe natin for today. Isang simpleng bangus fillet at ordinaryong sitaw mas napasarap sa pamamagitan ng hoisin sauce na ito. Try it!
STIR FRY FISH and STRING BEANS in HOISIN SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Bangus back fillet cut into 2 inches long
1 taling Sitaw/String beans cut also into 2 inches long
2 tbsp. Hoisin Sauce
1 tbsp. Soy Sauce
3 cloves Minced garlic
1 medium onion chopped
2 tbsp. flour
1 tsp. Garlic Powder
1/2 tsp. Pepper
salt to taste
1 tsp. sesame oil
1 tbsp. brown sugar
cooking oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang hiniwang bangus fillet. Ilagay din ang harina, garlic powder, asin at paminta. Isara ang plastic bag at alug-alugin ito hanggang sa ma-coat ng harina at mga sangkap ang bangus fillet. Hayaan muna ng mga 5 minuto.
2. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Magtira lamang ng mga 1 kutsarang mantika sa pinagprituhan. Igisa dito ang bawang at sibuyas.
4. Ilagay na din ang sitaw. Lagyan ng mga 1/2 tasang tubig at toyo. Hayaan hanggang sa maluto ito.
5. Kung malapit ng maluto ang sitaw (huwag i-overcooked), ilagay ang piniritong bangus fillet.
6. Ilagay na din ang hoisin sauce at brown sugar. Haluin ng halauin hanggang sa ma-coat ng sauce ang bawat isang bangus fillet.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments