TURBO BROILED LIEMPO in LEMON SODA
Noong araw hindi pa uso yung mga instant sauces like barbeque sauce, oyster sauce, hoisin sauce at kung ano-ano pang sauce. Kung baga, kapag mag-iihaw ka ng baboy o manok, o kaya naman isda, asin at kung ano-ano lang na pampalasa ang ating inilalagay.
Katulad ng pork barbeque o inihaw na liempo. Natatandaan ko, nilalagyan lang ito ng 7-up, toyo, calamansi, bawang, asin, paminta at kaunting asukal ng Inang ko at ayos na ang lasa. Ito ang naging inspirasyon ko nung niluto ko ito para sa aming noche buena. Simple lang ang mga sangkap pero masarap ang kinalabasan. Try nyo ito this new year.
Yun lang nakatamaran kong magpa-baga para dun i-ihaw. Mas masarap ito kung sa baga talaga lulutuin. Pero okay na din sa turbo broiler. Iba lang talaga yung sa ihaw sa baga. mayroon nung smokey taste ang lasa.
TURBO BROILED LIEMPO in LEMON SODA
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo (hiwain ng mga 1/2 inch ang kapal)
juice from 6 pcs. calamansi
1/2 cup Soy Sauce
12 oz. 7-up or Sprite Soda
1 head Minced garlic
1 tbsp. rock salt
1 tsp. ground pepper
1/2 cup brown sugar
Paraan ng pagluluto:
1. Paghaluin ang lahat ng sangkap sa isang lalagyan.
2. Hayaang ma-marinade ang karne. Mas matagal mas mainam. Overnight is ideal
3. Lutuin ito sa turbo broiler o sa baga hanggang sa maluto.
Ihain ito na may sawsawang pinaghalong suka, toyo, calamansi, sibuyas, sili at kaunting asukal.
Enjoy!!!! Ayos na ayos ito sa darating na bagong taon.
Happy New Year sa lahat!!!!!
Comments
keep it up,dennis..
ang sarap sarap mong mag luto...