11 years ko nang ginagamit ang turbo broiler namin. Gift ito ng dating kong boss na si Sir Vic nung kami ay ikinasal ng asawa kong si Jolly. Since then, paborito namin itong gamitin sa pagluluto ng manok, baboy at marami pang iba. O di ba? sulit na sulit talaga ang gamit na ito sa amin. Imagine 11 years? hehehehe.
Gustong-gusto ng mga kids ko ang mga pagkaing luto sa turbo broiler. Lalo na pag manok at pata ng baboy. Kaya naman ang dami ko nang version ng aking roast or turbo broiled chicken. At isa na nga dito ang entry natin for today. Try nyo ito...ayos na ayos ito para sa noche buena. Ito nga pala ang ating Pang-Pasko Recipe#2.
TURBO BROILED PINEAPPLE CHICKEN
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken legs (kung gusto nyo ng buo okay lang)
1 can Del Monte Pineapple Juice (sweetened)
1 tbsp. Dried Rosemary
1 tsp. Dried Thyme
Salt and Pepper
Paraan ng pagluluto:
1. Kiskisang mabuti ng asin at paminta ang manok. Kung buong manok, kiskisan pati ang loob nito. Hayaan ng mga ilang minuto.
2. Ilagay sa isang zipblock o plastic bag ang manok ang ilagay na ang pineapple juice, dried rosemary at dried thyme.
3. Isara o ibuhol ang plastic bag at saka masa-masahihin o ikot-ikutin ang manok. Ilagay muna sa freezer ng mga 1 oras. Mas matagal o overnight mas mainam.
4. Lutuin ito sa oven o turbo broiler sa loob ng 45 minuto sa init na 300-350 degrees.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Notice na parang sunog yung nasa pict. Ganun talaga kaya kailangang medyo bantayan nyo ang inyong niluluto. May sugar kasi yung pineapple juice at madali itong maluto o masunog. Pwedeng i-brush nyo ang katawan ng manok para hindi madaling masunog ang balat. Thanks
Comments