BAGONG TAON sa amin sa BOCAUE 2010
HAPPY NEW YEAR!!!! Isang taon na naman ang lumipas. At eto, isang panibagong taon na naman ang ating kinakaharap. Isang panibagong taon na may panibagong paghamon at pag-asa. Nawa ay gabayan tayo ng Panginoong Diyos na malampasan natin ang anu mang pagsubok na ating kakaharapin sa taong ito.
Kagaya ng nabanggit ko sa aking nakaraang post, sa Bocaue, Bulacan sa aming bayan kami nag-celebrate ng bagong taon. Bukod kasi sa masaya ang bagong taon dito dahil sa dami ng paputok...hehehehe.. ay ipinagdiriwang din namin dito ang taunang year-end party. At this year nga ay may color coding pa ang bawat pamilya. Nasa pict sa itaas ang aking ama at mga kapatid. Orange team pala kami kaya ganyan ang suot namin. hehehehe. From the left, ako, si Salve, Tatang Villamor ko, Shirley at ang aking Ate Mary Ann..
Ang aming pamilya kasama ang aking Tatang, kapatid at mga pamangkin. Ofcourse ang aking asawang si Jolly at tatlo kong anak na sina Jake, James at Anton.
Ang aking pamilya at ang aming pinagsaluhan sa media noche. Simple lang naman ang handa namin. Ako ang nagluto ng tatlo sa mga dish na ito.
Waiting for the new year.....it's about 11:50pm of 2009 nung time na kinunan ito.
Waiting for the new year.....it's about 11:50pm of 2009 nung time na kinunan ito.
With my love ones at the strike of the new year.
At syempre ang mga handa. Nagluto ako ng Cheesy Bacon Bowtie pasta, Ham cucumber and kani spring roll, Chicken Kebab. Ang niluto naman ang sisiter ko: Crispy pata, buco salad, ham and hotdogs, halayang ube, leche plan at sumang malagkit.
Muli ang aking pagbati kasama ang bumubuo ng aking pamilya. Ang aking asawang si Jolly at aking mga anak na sina Jake, James at Anton.
HAPPY NEW YEAR TO ALL!!!!!
Comments
dennis