BLUE MARLIN BELLY in OLIVE OIL


Kapag isda ang schedule na ulam namin, bihira na sa supermarket ako bumibili nito. Minsan oo. Madalas sa pinakamalapit na palengke ako bumibili para naman maganda at sariwa ang isdang mabibili ko.

Sa Cubao sa Q.C. kami nakatira ng aking pamilya. Dalawang palengke ang pinakamalapit sa amin. Ang Farmers market at Arayat market. Kung quality fish and seafoods talaga ang hanap mo, Farmer is the best.

Kagaya nitong nakaraang Linggo. Naisipan kong mag-isda naman kami for our dinner. Swerte naman at nakabili ako ng belly ng blue marlin. Yun lang medyo may kamahalan. P280 ang kilo. Pero okay na rin. Minsan lang naman kaming makakain ng ganitong kasarap na isda. Hehehe.

Simple lang ang recipe na ito. Salt, pepper at maggie magic sarap lang na niluto sa olive oil. Walang ibang herbs and spices pa. Gusto ko kasing hindi matakpan yung natural na sarap ng isdang ito. At hindi naman ako nagkamali. Masarap with its natural flavor. The best lalo na ang katerno nitong ulam ay ginisang munggo na may sotanghon....Hehehehe...Abangan nyo ito. Another entry ko for the coming days.




BLUE MARLIN BELLY in OLIVE OIL

Mga Sangkap:

1 kilo Blue marlin Belly

2 tbsp. Rock salt

1 tsp. Freshly ground pepper

1 tsp. Maggie magic sarap

3 tbsp. Olive oil


Paraan ng pagluluto:

1. Paghaluin ang asin, paminta at maggie magic sarap sa isang lalagyan.

2. Ihawaan ang laman ng isda.

3. Budbudan ito ng pinaghalong sangkap. Lagyan din ang mga pagitan na hiniwaan sa isda.

4. Hayaan muna ng mga 15 minuto

5. Sa isang non-stick pan, i-prito ang isda sa olive oil sa medium na init ng apoy hanggang sa pumula at maluto.

Ihain ito kasama ang sawsawan na pinahalong calamansi, toyo, suka, sibuyas, kaunting asukal at asin.

Enjoy!!!!


Comments

Anonymous said…
hi po kua dennis.. im imee po,and im working hir n kuwait. tnx po kc laki tulong po tlga sakin ng blog/site nyo po kc d po tlga ako marunong magluto, shambahan lang tlga ako kung magluto lalo n d2 mag isa lng ako at la ako aasahan s pagluluto kundi sarili ko lang, d gaya s pinas n anjan c nanay at tatay n magluluto sau. tnx po s mga rcp's.
Dennis said…
Ganun talaga sa una..tsambahan lang. Basta alam mo ang basic na gagawin, madali na yung susunod. Tandaan mo na lang kung saan ka nagkamali para next time maayos na.

Thanks for visiting my blog. Nakakatuwa naman at nakakatulong ako kahit papano.

BTW, my wife use to work also dyan sa Kuwait as Optometrist. That was 13 years ago. hehehehe


Dennis
cool fern said…
ahhh nice to know na optometrist ang wife mo...
re:blue marlin belly...sarap nito...so? pan fried pala ginawa mo?kala ko sa turbo mo niluto?
Dennis said…
Pan-fried siya a olive oil. Pag kasi sa turbo broiler nada-dry yung laman ng isda so walang kwenta. Siguro kung ilalagay sa foil with the olive oil ok lang.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy