BUTTERED CAULIFLOWER


Napaka-simple ng entry natin for today. Actually, nagdadalawang isip ako kung ipo-post ko ito o hindi. Kaya lang, nanghihinayang ako na hindi mai-share ang tuwa ko nung kinakain ko na ito for my dinner the other night.

Mula nung maoperahan ako, medyo hinay-hinay na ako sa aking mga kinakain. Pinagbawalan na din ako ng doctor ko na magbawas na sa pagkain ng maraming kanin at mga pagkaing matataba. Haayy ang hirap naman. Kung pwede nga daw prutas at gulay na lang. Pero pwede ba yun? Dapat balanse sa lahat.

Nung time na niluto ko ito, ang katernong ulam nito ay piniritong tilapia. At yun nga, itong gulay na ito at pritong isda ang aking kinain. Hindi na ako kumain ng rice. O di ba? Pero satisfied pa rin ako sa aking dinner...hehehehe.

Simple lang ito...pero masarap.


BUTTERED CAULIFLOWER

Mga Sangkap:
500 grams. Cauliflower (hiwain o himayin sa nais na laki)
1/2 cup Salted Butter
1/3 cup chopped parsley
salt and pepper to taste

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, magpakulo ng kalhating tasang tubig.
2. Kapag kumulo na, ilagay ang cauliflower
3. Ilagay ang butter at timplahan ng asin at paminta.
4. Hayaan ng mga 2 minuto. Huwag i-overcooked
5. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng chopped parsley sa ibabaw.
Kainin na habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
i'm sure my boss will enjoy this
Dennis said…
Sinabi mo...alam mo hindi ako masyadong mahilig sa gulay...pero ito nagustuhan ko. Na-retain ko yung lasa mismo ng gulay...walang kung ano-anong pampalasa pa.

Thanks my friend....

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy