CHICKEN 1-2-3 with LEMON


Yes, hindi nga kayo nagkakamali ng basa. Yan nga ang pangalan ng dish natin for today. Meron talagang ganyang dish kahit i-check nyo pa sa google. Dinagdagan ko na lang ng Lemon to add more flavor sa dish. At hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng lutuin kong ito.

1-2-3 is actually the proportion ng mga pangunahing sangkap. Brown sugar, soy sauce and vinegar. Hindi ito yung 1-2-3 na tinatakbuhan ha....hehehehe.

Ito ang baon ng mga bata sa school at baon ko na rin sa office. Nagulat lang ako talaga sa lasa, kasi masarap siya. Parang lechong manok na andoks ang lasa ko....hehehehe.

Try nyo ito....masarap talaga.


CHICKEN 1-2-3 with LEMON

Mga Sangkap:
1 whole Chicken cut into serving pieces

1 cup brown sugar

2 cups soy sauce

3 cups vinegar

1 whole Lemon (gadgarin yung balat, pigain yung katas)

1 head minced garlic

1 tsp. ground pepper

1 tsp. salt

1 tsp. maggie magic sarap

Sesame seeds or chopped onion leaves to garnish


Paraan ng pagluluto:

1. Paghaluin ang brown sugar, toyo at suka sa isang bowl.

2. Ilagay na din ang minced garlic, katas ng lemon at paminta. Halu-haluin
3. Ilagay ang manok at hayaang ma-marinade ng mga 30 minutes.

4. Isalang sa isang non-stick pan ang manok kasama ang marinade mix at hayaang maluto hanggang sa kaunti na lang ang sauce na natitira.

5. Timplahan ng magie magic sarap. I-adjust ang tamis at alat ayon sa inyong panlasa.

6. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng sesame seeds o chopped onion leaves sa ibabaw.

Ihain kasama ang mainit na kanin.

Enjoy!!!

Comments

Anonymous said…
ask ko lang if yung katas ng lemon na sinasabi dito eh yung katas ng lemon zext as in katas ng balat?

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy