CHICKEN FILLET with PESTO and CHEESE
Remember my homemade pesto? Yes. Ito ang isa sa mga sangkap na ginamit ko sa dish na ito na entry natin for today.
Actually para siyang chicken cordon bleu. Pero yun nga pesto and cheese lang ang ipinalaman ko dito. Masarap siya kahit na sa anong klaseng dip. Pwedeng mayo-garlic, barbeque sauce, catsup ang mayo o kahit na mang tomas sarsa ng lechon pa siya.
Try nyo ito. siguradong magugustuhan ng inyong mga anak.
CHICKEN FILLET with PESTO and CHEESE
Mga Sangkap:
6 pcs. Whole chicken breast fillet (walang balat)
1 cup of Basil Pesto
12 pcs. Sliced cheese
5 pcs. Calamansi
salt and pepper to taste
1 egg
2 tbsp. flour
2 cups Japanese Bread crumbs
cooking oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. Hiwain sa gitna ang buong breast fillet. Lagyan ng hiwa sa gitna na parang bulsa kung saan ilalagay ang palaman.
2. I-marinade ang manok sa asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 30 minuto.
3. Palamanan ng basil pesto at keso ang bawat isang breast fillet.
4. Sa isang bowl, paghaluin ang harina at itlog para makagawa ng batter.
5. Ilubog ang pinalamanang breast fillet sa batter at saka igulong naman sa japanese bread crumbs. Ilagay muna sa isang lalagyan.
6. Ilagay muna freezer ang stuffed breast fillet para kumapit ang batter ang bread crumbs ng mga 15 minuto.
7. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
8. Hanguin sa lalagyang may paper towel para maalis ang excess na mantika.
Ihain kasama ang inyong paboritong dip o sawsawan.
Enjoy!!!!
Comments