CREAM, CHEESE & BACON in BOWTIE PASTA



Isa ito sa mga dish na niluto ko last Media Noche namin sa Bulacan. Simple lang lutuin ang dish na ito. In 15 minutes kaya nyo itong lutuin. Tamang-tama naman, bago mag alas-dose ay naihain ko ito sa aming hapag. First time ko lang ma-try na mag-luto ng ganito at hindi naman ako nagkamali. Natutuwa nga ako at nagustuhan naman ito ng aking mga mahal sa buhay.



CREAM, CHEESE & BACON in BOWTIE PASTA

Mga Sangkap:

500 grams Bowtie Pasta (Lutuin sa tamang paraan)

250 grams Bacon chopped

1 big bottle Original Cheese Wiz

1 cup grated cheese

1 tetra brick All Purpose cream

1 head minced garlic

salt and pepper to taste


Paraan ng Pagluluto:

1. Lutuin ang pasta ayon sa tamang paraan. Huwag i-overcooked.

2. Sa isang kawali o sauce pan, i-prito ang bacon sa kaunting butter. Kung medyo tosted na hanguin ito sa isang lalagyan.

3. Sa parehong kawali, igisa ang bawang hanggang sa mag-golden brown.

4. Ilagay ang cream at cheese wiz. Halu-haluin hanggang sa mag-mix na mabuti ang cream at cheese wiz.

5. Timplahan ng kaunting asin at paminta.

6. Sa isang mixing bowl, paghaluin ang sauce na ginawa at nilutong bowtie pasta.

7. Ilagay ang kalhati ng nilutong bacon at paghaluing mabuti sa pasta.

8. Isalin sa isang lalagyan at lagyan nga natira pang bacon at grated cheese sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
nag enjoy talaga ako sa mga pagkain na ipinost mo..happy new year uli...
Dennis said…
Thank my friend....parang kailan lang...malapit nang mag 1 year ang food blog kong ito.

Salamat a katulad moi na patuloy ang pagtangkilik.

Happy New year!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy