FILIPINO PORK ASADO


Pag sinabing asado, ang unang pumapasok sa ating isip ay yung siopao na asado. Kung baga, parang ito yung basihan lagi pag asado ang pinaguusapan.

Before ko isinulat ang entry na ito nag-check muna ako sa google kung ano ba talaga ang asado. Hindi pala ito pangalan ng isang lutuin kundi pamamaraan ng pagluluto ng karne kagaya ng baka at iba pa. Hindi ito mina-marinade kundi nilalagyan lamang ng asin at iniihaw sa baga ng mga 2 oras. Sa Espanya, niluluto naman ito sa oven.

Common sa atin ay yung chinese asado na manamis-namis na may sangkap na star anise. Pero ako, itong entry natin for today ang nakalakihan ko na luto ng asado. Ito yung niluluto ng aking Inang kapag may espesyal na okasyon. May pagkahalintulad ito sa niluluto nating mechado. Siguro ang pagkapareho lamang nito sa chinese asado ay yung ini-sliced muna ito bago ihain.

Try it! Malinamnam siya.....



FILIPINO PORK ASADO

Mga Sangkap:

1.5 kilo Whole Pork kasim or Pigue (pahaba sana ang pagka-buo)

1 pouch Del Monte Tomato Sauce

1 cup Vinegar

1 cup Soy Sauce

1 carrot cubes

2 tangkay na Celery

2 pcs. Red and Green Bell pepper

1 large Red onion quartered

1 head whole garlic

1 tsp. ground pepper

1 tsp. salt

1 cup grated cheese


Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pagsama-samahin lang ang lahat ng sangkap maliban sa tomato sauce at grated cheese.

2. Lutuin ito hanggang sa katamtamang init na apoy.

3. Kung malapit ng maluto ang karne, ilagay ang tomato sauce.

4. Kung tama na ang lambot ng karne, ilagay na ang grated cheese.

5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa nito.

6. Hanguin ang karne from the sauce at palamigin ito.

7. Hiwain sa nais na kapal at ilagay sa isang lalagyan.

8. Ilagay sa ibabaw ng hiniwang asado ang sauce ng pinaglutuan.

Ihain kasama ang inyong mainit na kanin o kaya naman ay malambot na tinapay.

Enjoy!!!

Comments

cool fern said…
ano ba ang pagkaka iba ng asado sa adobo?kasi ang mga ingredients ay parang kamukha siya ng adobo?
Dennis said…
HIndi ah...malayo naman. Ang adobo suka at toyo lang...walang tomato sauce. Mas malapit itong asadong ito sa mechado.


Dennis
Anonymous said…
hi, yung iba recipe me brown sugar.. sa inyo po wala?
Asiole said…
yung my brown sugar chinese or macau style. masarap din yung I've tried it. but this one is more presentable. pang party nga or pang my handaan.

Kaya pala parang mechado ang niluto ng mo-in-law ko nung baptism ng baby ko. Akala ko palpak.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy