HAM, CUCUMBER and KANI SPRING ROLL
Gulat nga ang mga naka-tikim. Kakaiba daw at masarap talaga. Ang ikinasarap pa sa palagay ay ang pagdadagdag ko ng ham at dinurog na cashiew nuts. Yun ang inam ng spring roll na ito, kahit ano pwede mong ilagay. Try nyo ito...ayos na ayos ito sa mga cocktails or parties.
HAM, CUCUMBER and KANI SPRING ROLL
Mga Sangkap: (Note: Ang dami ng sangkap ay depende sa dami ng spring roll na inyong gagawin)
Rice paper
1 pack Kani or Crab Meat (Hiwain ng pahaba na parang palito ng posporo)
Fresh Lettuce
100 grams Ham hiwain din ng pahaba
1 pc. Pipino o cucumber hiwain din ng pahaba
1 cup Cashiew nuts chopped into small pieces
sesame oil
salt ang pepper
1 cup mayonaise
1 tbsp. peanut butter
Paraan ng Pagluluto:
1. Hiwain ng pahaba ang pipino, crab stick at ham.
2. Timplahan ang mga ito ng asin, paminta at sesame oil
3. Itubog sa tubig ang rice paper.
4. Latagan ng fresh na dahon ng lettuce at lagyan ng mga palaman na pipino, crab meat, ham at dinurog na cashiew nuts.
5. Isara ang magkabilang gilid at i-roll ito na parang gumagawa ng lumpia.
6. For the dip, paghaluin lang ang mayonaise at peanut butter.
Hiwain ng patagilid sa gitna ang ginawang spring roll at ihain kasama ang mayo-peanut butter dip na ginawa.
Enjoy!!!!
Comments