HAPPY 1ST ANNIVERSARY SA ATING LAHAT!!!!
HAPPY ANNIVERSARY sa ATING LAHAT!!!!!
Kay bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang ng umpisahan ko ang munting food blog nating ito. Ang http://www.pinoycook.net/ ni Ms. Connie Veneracion ang naging inspirasyon ko nung gawin ko at umpisahan ang food blog kong ito. At after naman na ma-feature niya ako sa kanyang food blog, dumami na din ang bumibisita dito. Nakakatuwa naman dahil ang dami ko talagang natutunan na ibat-ibang klaseng luto ng pagkain. Bukod pa dun, ang dami ko talagang naging kaibigan. Kaya naman patuloy pa din ako sa pagpo-post. Alam ko kasi na nakakatulong din ako kahit papaano sa munti kong kakayanan.
Para makapagpatuloy pa ako sa pagba-blog, hiling ko sana na mag-send kayo sa akin ng inyong mga suggestions or comments para mas mapaganda pa natin ang ating munting tambayan na ito. Kung mayroon kayong request na mga recipe, pwede natin itong pagusapan dito sa ating blog. Mas maganda naman siguro yung ganun, yung mga interaction kayo at ako.
Muli ang aking pagbati sa ating lahat. Sana ay tumagal pa ang ating samahan sa blog nating ito.
Dennis
Comments
Dennis
Dennis
more power to your site
Salamat muli sa suporta.
Dennis