LEMON & HERBS PORK CHOP
Hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko sa 1.2 kilos na pork chop na nabili before new year pa. Before new year pa kasi gusto ko puno ang fridge namin bago magpalit ang taon. Para buong taon may makakain kami...hehehehe. Pamahiin. Pero okay lang, wala namang mawawala.
Balik tayo sa pork chop. Yun nga, up to the last minute di ako maka-decide kung anong luto ang gagawin ko. Pambaon pa naman ito ng mga bata pagpasok nila sa school. Kung ibi-bistek ko, parang yun na naman. Sabagay ano pa bang luto ang pwede sa porkchop?
Hanggang sa makita ko ang nag-iisa pang lemon na ginamit ko sa aking fruit basket. 2 ito. Yung isa di ba ginamit ko na dun sa chicken na niluto ko? At yun nga, nauwi sa pagbo-broil sa turbo ang kawawang porkchop.
Try this...with the use of lemon and 2 kinds of herbs, ang sarap ng kinalabasan. Pwede din itong i-prito o kaya naman i-grill. Ako mas pinili ko na i-turbo broil para maalis ang excess na taba o mantika.
LEMON & HERBS PORK CHOP
Mga Sangkap:
1 kilo Pork chops
1 lemon fruit
1 tsp. dried Thyme
1 tsp. dried Basil
1 tsp. ground pepper
1 tsp. maggie magic sarap
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Hugasang mabuti ang porkchop.
2. Gadgarin ang balat ng lemon at ilagay sa isang lalagyan.
3. Budburan ang magkabilang parte ng pork chop ng asin, paminta, ginagad na balat ng lemon, katas ng lemon, dried thyme, dried basil at maggie magic sarap.
4. Hayaan ng mga 1 oras. Mas matagal mas mainam. Maaring tusuk-tusukin ng tinidor o kutsilyo ang karne para madaling makapasok ang flavor ng lemon at mga herbs.
5. Lutuin ito sa turbo broiler at 350 degrees na init. Maaari ding lutuin ito sa baga o kaya naman ay i-prito.
Hanguin ito sa isang lalagyan at ihain kasama ang inyong paboritong sawsawan.
Enjoy!!!
Comments