PASTA with HOMEMADE PESTO



Kagaya ng naipangako sa last na posting ko, narito ang pasta dish na niluto ko gamit ang homemade pesto na ginawa ko.


Ayos na ayos ito sa mga nagbabawas ng timbang. Wala itong meat at ang oil na ginamit dito ay olive oil. It's a simple dish pero masarap. Mainit na pandesal pala ang sabay kong kinain kasama nito. Pwede din kainin ito as replacement sa rice. Grilled chicken or pork ayos na ayos dito. Try nyo.




PASTA with HOMEMADE PESTO


Mga Sangkap:

450 grams Flat pasta noodles (cooked according to package directions)

2 cups Basil pesto

2 tbsp. Olive oil

1 cup grated cheese

sat and pepper to taste



Paraan ng Pagluluto:

1. Lutuin ang pasta ayon sa package direction. I-drain...ilagay sa isang lalayan.

2. Sa isang kawali, ilagay ang olive oil at pesto.

3. Ilagay ang pasta noodles at haluin sa pesto.

4. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.

5. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng grated cheese sa ibabaw.


Ihain kasama ang inyong paboritong tinapay or toasted bread.


Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy