PORK STEAK with PEANUT SAUCE
Madali lang ang recipe natin for today. Actually ang focus ng entry ko na ito ay hindi sa pork steak mismo kundi sa peanut sauce na aking ginawa. Wala akong pinagbatayas sa peanut sauce na ito. Basta sinunod ko lang kung ano ang nasa isip ko.... at viola! Isang masarap na pagkain ang kinbalabasan.
PORK STEAK with PEANUT SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Steak
Juice from 6 pcs. calamansi
salt and pepper
olive oil for frying
For the peanut sauce:
2 tbsp. peanut butter
3 cloves minced garlic
1 tsp. garlic powder
1 tbsp. Hoisin sauce
2 tbsp. soy sauce
1 tbsp. brown sugar
salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang pork steak sa katas ng calamansi, asin at paminta. Ang ginamit ko pala dito ay yung dinurog pa lang na pamintang buo. Hayaan nga mga 15 minuto.
2. I-prito ito sa olive oil hanggang sa pumula at maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Para sa sauce. Sa parehong kawali, igisa ang bawang.
4. Ilagat ang peanut butter at toyo. Haluing mabuti hangang sa matunaw ang peanut butter.
5. Timplahan ng brown sugar, kaunting asin at paminta. Maaring lagyan ng kaunting tubig
6. Ilagay na din ang hoisin sauce. Halu lang ng halo.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain ang pork steak kasama ng nilutong peanut sauce.
Enjoy!!!!!
Maraming pang susunod.....
Comments