ROASTED BEEF SHANK ASADO
The last time na nag-groceries ako, nakabili ako ng dalawang pirasong beef shank o yung pata ng baka. Nabigla nga ako sa pagbili, kasi yung dalawang pirasong yun na may kapal na mha 1 inch ay almost P400 ang halaga. Kaya ang nangyari, inilaga ko yung isa at yung pangalawa naman ay ito ngang roasted beef na ito.
Simple lang ang dish na ito. Para lang itong barbeque. Ginamitan ko din pala ito ng Hunts barbeque sauce to add more flavor. Try it! Sulit ang tagal ng pagpapalambot sa baka.
ROASTED BEEF SHANK ASADO
Mga Sangkap:
1 pc. Beef shank about 1 inch ang kapal
1/2 cup soy sauce
2 tbsp. Worcerstershire sauce
1 tsp. groud black pepper
2 pcs. laurel leaves
1 pc. star anise
3 tbsp. brown sugar
1 tsp. rock salt
1/2 tbsp. Hunts barbeque sauce
1 large onion
6 cloves garlic
1 tbsp. Cornstarch
2 cups water
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa barbeque sauce.
2. Lutuin ang baka sa medium na apoy hanggang sa lumambot. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung malambot na, isalang sa turbo broiler o oven at 350 degrees sa loob ng mga 15 minuto.
4. Pahiran ng pinagsamang sabaw ng pinaglutuan ng baka at barbeque sauce.
5. Para sa sauce, salain ang pinaglutuan ng baka at isalang muli sa kalan.
6. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce. Ilagay na din ang natitirang bbq sauce.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
Hiwa-hiwain ng maninipis, lagyan ng sauce sa ibabaw at saka ihain.
Enjoy!!!!
Comments