BEEF PINEAPPLE-HONEY STEW
The last time na umuwi kami sa bayan ng asawa kong si Jolly sa San Jose Batangas, nakabili ako ng ilang kilong karneng baboy at baka. Mainam kasi na dito bumili kasi naman talagang sariwa at bagong katay ang mga karne.
Kagaya nitong nabili kong 1 kilong sliced na baka. Nung una hindi ko maisip kung anong luto ang pwede dito. Balak ko sana i-stir fry ito sa amplaya kaso baka di magustuhan ng mga bata ang amplaya komo mapait. So naisip ko lang, bakit hindi with fresh pineapple. At sa pinya nga nauwi ang luto ng baka.
Masarap.....yun lang ang masasabi ko. At nagustuhan naman talaga ng mga bata. Try it..ayos na ayos ito.
BEEF PINEAPPLE-HONEY STEW
Mga Sangkap:
1 kilo Beef thinly sliced
1 small Fresh Pineapple cut into cubes
1/2 cup butter
4 cloves minced garlic
1 large Onion chopped
1/2 cup honey
1/2 cup soy sauce
1/2 cup Oyster sauce
salt and pepper to taste
2 tbsp. brown sugar
1 tsp. cornstarch
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang pinya sa butter. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas.
3. Ilagay ang hiniwang baka at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin.
4. Ilagay ang toyo, oyster sauce at 1 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
5. Ilagay ang honey at ang piniritong pinya. Halu-haluin.
6. Ilagay na din ang brown sugar at tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments