BOILED BEEF with POTATOES & CASHIEW NUTS
Sa lahat ng mga pwedeng lutuin, itong sa karne ng baka talaga ako nahihirapan. Mahirap kung anong luto ang gagawin at ang tagal pang palambutin. Bukod pa a may kamahalan ang presyo nito per kilo.
Kaya eto nag-experiment na naman ako sa dish na ito. Actually parang malapit siya dun sa niluto ko nang beef with gravy and potatoes. Dito naman nilagyan ko pa ng herb at cashiew nuts to add more flavors sa dish.
Hindi naman ako nabigo. Parang roast beef ang kinalabasan at nagustuhan talaga ng mga anak ko ito lalo na yung sauce.
Try it! Winner ito..
BOILED BEEF with POTATOES & CASHIEW NUTSMga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket
2 pcs. Large Potatoes cut into cubes
1 cup Toasted Cashiew nuts
1 tsp. Dried Thyme
1 large White Onion sliced
1 tsp. Garlic powder
Salt and pepper to taste
1 tbsp. Flour
1/2 cup butter
1 tsp. Maggie magic Sarap
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluuan hanggang sa lumambot ang karne ng baka (whole)
2. Kung malambot na, hanguin ito sa isang lalagyan at palamigin. Itabi ang sabaw na pinaglagaan.
3. Hiwain ang nilagang karne ng baka ayon sa nais na nipis.
4. Sa isang kawali, ilagay muli ang hiniwang baka at lagyan ng 3 tasang sabaw ng pinaglagaan.
5. Hayaang kumulo.
6. Ilagay ang sibuyas at timpalahan ng asin, paminta, garlic powder at dried type.
7. Ilagay na din ang butter at patatas. Takpan hanggang sa maluto ang patatas. Maaring lagyan pa ng sabaw ng pinaglagaan kung kinakailangan.
8. Kung luto na ang papatas ilagay ang tinunaw na harina para lumapot ang sauce.
9. Tikman at i-adjust ang lasa.
10. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng toasted cashiew nuts sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments