EGG-DROP SOUP with BOK CHOY

Remember yung beef dish na niluto nitong isang araw? Boiled Beef with Potatoes and Cashiew nuts? Di ba pinakuluan ko yung beef hangang sa lumabot at yung pinaglagaan ay ginawa kong sauce. Yung natira pang sabaw ay itinabi ko at eto nga ang kinalabasan. Egg drop soup with Bok choy. You know what? Ang sarap ng kinalabasan. Hindi ko tuloy mapigil na hindi mai-share ito sa inyo kahit na napaka-simple lang ng mga sangkap at paraan ng pagluluto. Try it!!!



EGG-DROP SOUP with BOK CHOY

Mga Sangkap:

6 cups Pinaglagaan ng Baka

1 egg beaten

10 pcs. Bok choy leaves

1 small White onion chopped

Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, pakuluin ang sabaw ng baka.

2. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa

3. Ilagay ang Bok choy

4. Ilagay ang binating itlog. Haluin pagkabuhos para hindi magbuo-buo ang itlog.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Kwentonatin said…
Ano pong bok choy leaves?
Dennis said…
Mas kilala sa palengke yun as chinese pechay.
Anonymous said…
Hi Sir Dennis! Ang dami nyong alam na lutong may sabaw. Pwede po bang humingi ng simpleng recipe ng sabaw na walang laman, yung mura lang po pero malasa na pwede kong i-serve for free sa carinderia ko. Thank you po!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy