FISH FILLET, MUSSELS and SHITAKE MUSHROOM in OYSTER SAUCE


Remember yung Baked Tahong na entry ko the other day? Yes, ito yung kasamahan nung nabili kong 1 kilo na tahong nitong isang araw. Dalawa lang kasi kami sa bahay ngayon. Nasa bakasyon na sa province ang tatlo naming anak.

Nung bumibili na ako ng gulay na gagamitin ko sa baked tahong, nakita ko itong fresh shitake mushroom na ito. Stir fried na agad ang naisip kong luto dito.

Sa totoo lang, first time ko pa lang na magluto ng fresh na shitake mushroom. Madalas ko lang itong mabasa sa mga food blog at food magazines.

Yung fish fillet naman, nagpaluto ang asawa kong si Jolly ng fish fillet with white sauce. Ang ginawa ko, kumuha ako ng mga 100 grams at ito nga ang inihalo ko sa dish nati na ito for today.

The result? Ang sarap. Ngayon ko lang nalaman na masarap pala ang fresh na shitake mushroom.

FISH FILLET, MUSSELS and SHITAKE MUSHROOM in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 cup Tuna Fillet cut into cubes
1 cup Tahong meat
100 grams Shitake mushroom sliced
½ cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy sauce
1 tbsp. Brown sugar
1 tbsp. Sesame oil
1 tsp. Cornstarch in ½ cup water
1 thumb size ginger sliced
4 cloves minced garlic
1 large onion sliced
2 tbsp. Chopped green onion
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika
2. Ilagay ang tuna fillet, tahong at shitake mushroom. Halu-haluin.
3. Timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin
4. Ilagay na din ang toyo at oyster sauce. Hayaan ng mga 1 minuto.
5. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
6. Ilagay ang brown sugar. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang ginayat na green onion o dahon ng sibuyas.

Ihain kasama ang mainit na kanin.

Enjoy!!!!

Comments

Lady Patchy said…
welcome to food trip friday dennis.sarap naman nito.
Dennis said…
Masarap na healthy pa.... :)

Thanks tatess...nag-visit din ako sa food blog mo.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy