HAM, TOMATOES and CHEESE FRITATTA
May ilang entry na rin ako sa archive about fritatta. Ang sosyal ng dating di ba? Actually nung una naguguluhan din ako kung ano ang pagkakaiba nito sa torta o kaya naman ay sa omellete.
Sa tulong ni Wikipedia, naintindihan ko din ang pagkakaiba nito. Yung fritatta mini-mix na yung ibang sangkap sa binating itlog. Samantalang ang omellete naman ay ipinapalaman ito sa binating itlog at saka pino-fold. Yung torta naman ay basta lang natatandaan ko na niluluto ng Inang ko na basta anything na hinaluan ng binating itlog at saka pinirito. Fritters din ata ang tawag dito.
At sa fritatta, tinatapos ang pagluluto nito sa oven o kaya naman ay sa broiler. Pwede din na sa kawali na lang mismo. Slow cooking lang dapat para hindi masunog ang itlog at huilaw pa ang loob.
Simple lang ang dish na ito. Again, nasa sa inyo na kung ano-anong sangkap pa ang gusto nyong ilagay sa fritatta nyo. Try it.
HAM, TOMATOES and CHEESE FRITATTA
Mga Sangkap:
7 slices of Square Sweet Ham or any king of ham (hiwain sa nain na laki)
1 cup grated cheese
1 large tomatoes sliced (huwag isama ang buto)
1 medium onion sliced
5 Eggs beaten
4 tbsp . Olive oil (2 tbsp. pang gisa & 2 tbsp. pag-piprito)
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang sibuyas at kamatis sa 2 kutsarang olive oil.
2. Makaraan ang ilang segundo, ilagay na din ang ham at timplahan ng asin at paminya. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang bowl batihin ang itlog at isama ang grated cheese. Batihing muli.
4. Ihalo sa itlog ang ginisang ham na may sibuyas at kamatis. Haluing mabuti.
5. Sa parehong kawali, lagyan ng 2 kutsara pang olive oil at ibuhos ang pinaghalong mga sangkap. Dapat mahina lamang ang apoy ng kalan. Kung may pangtakip sa kawali, takpan ito.
6. Kung sa tingin nyo ay luto na ang ilalim ng fritatta, takluban ng plato ang kawali (dapat sakop ng plato ang laki ng fritatta) at saka baligtarin ang kawali. Ibalik na muli ang fritatta sa kawali para maluto ang kabilang side. Kung may oven o turbo broiler naman, isalang ito hanggang sa mabuo at maluto.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain kasama ng inyong paboritong catsup.
Enjoy!!!!
Comments