NILASING NA HIPON


Noon ko pa gustong i-try ang dish na ito, hindi matuloy-tuloy kasi nga may kamahalan ang hipon. Pero komo nga dadalawa lang kami ngayon, pwede ko itong i-try para sa kalhating kilo lang na hipon. At last....hehehehe

Nang i-check ko ang recipe sa pagluluto nito, nagtataka ako kasi ang daming version. So hindi ko alam kung alin ang tama. Yung iba kasi may sauce. Yung iba naman fried. Well, kahit alin man ang tunay sa mga ito basta ang tawag dito nilasing na hipon . Hehehehe

Try it! Masarap ito as a main dish o kaya naman ay pulutan.


NILASING NA HIPON

Mga Sangkap:
1/2 kilo Hipon or Sugpo (alisin ang balbas)
1 bottle San Mig lights (beer)
3 cups All purpose flour
1 tsp. Garlic Powder
1 tsp. Maggie Magic Sarap
salt and pepper to taste
cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Ibabad ang hipon sa beer at timplahan ito ng asin at paminta. Hayaan itong mababad sa loob ng isang araw.
2. Sa isang zip block o plastic bag, ilagay ang hipon, garlic powder at maggie magic sarap.
3. Lagyan ng kaunting hangin ang loob ng plastic bag, isara at alug-alugin.
4. Ilagay na din ang harina sa plastic bag at patuloy na alug-alugin hanggang sa ma-coat ng harina ang lahat ng hipon.
5. Ilagay muna sandali sa frezzer ang mga hipon para kumapit ng husto ang harina.
6. Sa isang kawali, i-prito ang hipon hanggang sa pumula at maluto.
7. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel para maalis ang excess na mantika.
Ihain kasama ang sawsawang suka na may sili o kaya naman ay mayonaise na may paminta at olive oil.
Enjoy!!!!

Comments

isang maybahay said…
Hmmm... pede kaya ito sa hipon na wala nang shells? Kasi baka kumunat ang hipon...
Dennis said…
Ang ginagamit talaga na hipon dito ay yung di masyadong malaki. kay pati shell nagiging crispy. Kung tatanggalin mo naman ang balat, camaron rebusado o tempura na ang tawag dun.
Dennis said…
Basta huwag mo lang i-overcooked..hindi kukunat ang hipon.
Ladynred said…
Wow! mukhang masarap ah. di kaya tayo malasing nyan!
Unknown said…
i like it fried and dipped in spicy vinegar, and of course with a bottle of ice cold SMB.:p
Cecile said…
ow, that drunken shrimps looks yummy, can't remember kung na try ko na to :-); thanks for sharing the recipe, try ko to minsan :-)
nuts said…
di ko nakaluto ng nilasing na hipon.. thanks sa recipe, i-try ko minsan.
Dennis said…
@ Ladynred.... Malalasing ka kapag sinabayan mo ng malamig na SMB...tapos may sawsawang suka na may sili...the best.

@ Luna Miranda...... The best talaga ito as pulutan...pero okay na okay din as a main dish.

@ Cecile.....Try it. Madali lang ito. Pwede ka ding gumamit ng white or red wine...masarap pa din....hehehe

@ Nuts.... Try mo...madali lang naman lutuin...I sure magugustuhan ito ng family mo.

Thanks to all!!!!
Lady Patchy said…
me red wine ako dito kaya lang wala akong maliit na shrimp. san kaya ako makahanap ng maliit dito? puro malalaki kasi hipon dito.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy