PAN-GRILLED PORK BELLY in WORCESTERSHIRE SAUCE
Inihaw ang isa sa paborito kong luto sa liempo. Ang problema lang, walang pwedeng pag-ihawan sa tinitirhan naming condo ngayon. Ang solusyon? bakit hindi na lang i-ihaw sa kawali o pan-grill ang gawin. Although, mas masarap pa rin kung sa nagbabagang uling ito lulutuin, okay na din, masarap pa rin ang kinalabasan. Syempre, nasa tamang timpla sa karne ang sekreto ng anumang inihaw na liempo.
PAN-GRILLED PORK BELLY in WORCESTERSHIRE SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (Liempo...yung manipis lan ang taba)
3 tbsp. Worcestershire Sauce
4 cloves Minced Garlic
salt and pepper to taste
1/2 cup Barbeque Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
1 tbsp. Olive oil
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta, bawang at worcestershire sauce. Hayaan ng mg 30 minuto. Mas matagal mas mainam.
2. Sa isang soup bowl, paghaluin ang barbeque sauce, toyo, brown sugar at olive oil.
3. Sa isang square pan o non stick pan, i-pan-grilled ang liempo hanggang sa maluto at pumula ang magkabilang side.
4. Kung sa tingin nyo ay luto na ang karne, i-brush ang magkabilang side ng pinaghalong mga sauces.
5. Hanguin sa isang lalagyan at i-brush ulit ng sauce ang nilutong karne.
Ihain kasama ang pinaghalong katas ng calamansi, suka, toyo, sili at ginayat ng sibuyas.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis