PAN-GRILLED PORK BELLY in WORCESTERSHIRE SAUCE


Inihaw ang isa sa paborito kong luto sa liempo. Ang problema lang, walang pwedeng pag-ihawan sa tinitirhan naming condo ngayon. Ang solusyon? bakit hindi na lang i-ihaw sa kawali o pan-grill ang gawin. Although, mas masarap pa rin kung sa nagbabagang uling ito lulutuin, okay na din, masarap pa rin ang kinalabasan. Syempre, nasa tamang timpla sa karne ang sekreto ng anumang inihaw na liempo.


PAN-GRILLED PORK BELLY in WORCESTERSHIRE SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (Liempo...yung manipis lan ang taba)
3 tbsp. Worcestershire Sauce
4 cloves Minced Garlic
salt and pepper to taste
1/2 cup Barbeque Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
1 tbsp. Olive oil

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta, bawang at worcestershire sauce. Hayaan ng mg 30 minuto. Mas matagal mas mainam.
2. Sa isang soup bowl, paghaluin ang barbeque sauce, toyo, brown sugar at olive oil.
3. Sa isang square pan o non stick pan, i-pan-grilled ang liempo hanggang sa maluto at pumula ang magkabilang side.
4. Kung sa tingin nyo ay luto na ang karne, i-brush ang magkabilang side ng pinaghalong mga sauces.
5. Hanguin sa isang lalagyan at i-brush ulit ng sauce ang nilutong karne.

Ihain kasama ang pinaghalong katas ng calamansi, suka, toyo, sili at ginayat ng sibuyas.

Enjoy!!!!

Comments

isang maybahay said…
ang sarap naman nito, Sir. Pede ko kaya i-grill thru convection oven? Flat top kasi ang stove namin, and wala rin kaming bbq grill. :-(
Dennis said…
I'm not sure...kasi di pa ako nakakagamit ng convection over. Pero kagay nga ng nasabi ko...sa pan-grilled ito ginawa ko...meaning parang pinirito mo lang siya na walang mantika.
isang maybahay said…
Thanks sir, susubukan ko. Tuwing nakikita ko kasi ang pic sa blog mo ay natatakam ako! :-)
Dennis said…
Napapangitan pa nga ako sa kuha ng pict. Ordinary digicam lang kasi ang ginagamit ko. Pansin mo medyo malabo yung iba. Kapag nagkaroon na ako ng DSLR na camera mas mukhang katakam-takam talaga ang mga pict....hehehehe.

Dennis
isang maybahay said…
Sir, tip ng photographer ng Foodnetwork.com, dapat daw pag magte-take ng pic ng food ay walang flash para natural ang kulay ng food sa picture. Basta daw ok ang lighting. Hope this helps!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy