PINEAPPLE GLAZED CHICKEN WINGS
Dalawa lang kami sa bahay ng asawa kong si Jolly. Yung tatlo kong anak ay nagbabakasyon sa bahay ng aking biyenan sa San Jose Batangas. Tuwing weekend na lang namin sila binibisita at magdala na din ng mga supplies at pagkain na kailangan nila.
Kaya naman ang hirap mag-isip ngayon para sa akin ng iuulam namin at pati na rin yung ipo-post ko sa foodblog kong ito. Kaya pasensya na kayo na every other day na muna ang posting ko ng bago kong recipe.
Today, isang simple chicken dish ang handog ko sa inyo. Simple pero masarap. Kahit siguro baguhan pa lang sa pagluluto ay kayang gawin ito.
PINEAPPLE GLAZED CHICKEN WINGS
Mga Sangkap:
5 to 6 pcs. Chicken wings
2 cups Pineapple tidbits
1/2 cup Soy sauce
1 large White onion slice
3 slices Ginger
2 tbsp. Brown sugar
Salt and pepper
1 tsp. constarch (tunawin sa 1/2 tasang tubig)
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken wings sa asin, paminta, toyo at pineapple tidbits. Overnight mas mainam.
2. Sa isang non-stick na kawali, ilagay ang manok kasama ang sabaw na pinagbabadan. Huwag munag isama ang pineapple tidbits.
3. Lutuin hanggang mangalhati ang sauce.
4. Ilagay ang pineapple tidbits, luya at ginayat na sibuyas. Halu-haluin.
5. Ilagay na din ang brown sugar.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Sige gusto ko yan...visit ko rin ang food blog mo. Yun naman ang maganda, nagkakashare-an tayo ng tips and ideas.
Thanks again Ms. Lannie
Dennis
thanks for your mouth watering recipes