TAPSILOG - Tapa Sinangag at Itlog


Alam naman siguro natin na ang Tapsilog ay short for Tapa, Sinangag at Itlog. Ito ang pagkain na hanggang ngayon ay in na in pa rin kahit saang lugar dito sa atin sa Pilipinas.
Hindi ko alam kung anong year ito nagsimula, pero natatandaan ko, as early as the 80's ay parang kabuteng nagsulputan ang mga tapsihan sa lahat ng kanto ng metro manila. Kahit nga ang malalaking fastfood chain kagaya ng Jolibee ay nagkaroon na din nito.
Maraming variety ang SILOG. Basta ang pinaka-base nito ay ang sinangag nga at itlog. Pwedeng samahan ito ng tocino, tuyo, pritong manok, porkchop at marami pang iba. Ito na marahil ang pambansang almusal ng Pilipinas....hehehehe
Although marami namang available na tapa or tocino sa palengke o supermarket, ang i-she-chare ko sa inyo ay ang simpleng pag-gawa ng beef tapa na natutunan ko sa aking Inang Lina.
Kung ikaw ang gagawa mas makakatipid ka as compare sa bibilhin mo na timplado na. Try nyo ito...baka makapag-negosyo ka na din sa pamamagitan nito.
TAPSILOG - Tapa Sinangag at Itlog
Mga Sangkap:
a. Para sa Beef Tapa
1/2 kilo Malambot na parte ng baka (ipahiwa ng maninipis parang pang beef steak)
1 head Minced garlic
1 cup Vinegar
1 tsp. ground Black pepper
1 tbsp. Rock salt
1 tbsp. Brown sugar
b. Para sa Sinangag:
5 cups Cooked Rice
5 cloves minced garlic
1 egg beaten
Maggie magic sarap
1 tsp. Sesame oil
Paraan ng pagluluto:
a. Para sa Beef Tapa
1. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng sangkap para sa beef tapa maliban sa karne.
2. I-marinade o ibabad ang karne sa pinaghalong marinade mix. Hayaang mababad ng mga 1 oras. Mas matagal o ilang araw mas mainam.
3. Kung lulutin na, sa isang non-stick na kawali, ilagay ang binabad na karne kasama ang marinade mix. Hayaang maluto hanggang sa matuyo ang sabaw.
4. Lagyan ng mantika para pautloy na maluto ang tapa.
5. Hanguin sa isang lalagyan.
b. Para sa sinangag:
1. Maaring gamitin ang pinag-prituhan ng tapa. I-gisa o i-prito ang bawang hanggang sa pumula ito.
2. Isunod na i-prito ang pinating itlog. I-stir ang itlog para hindi mabuo.
3. Isunod na ilagay ang kanin.
4. Timplahan ng asin at maggie magic sarap. Haluing mabuti.
5. Lagyan ng sesame oil bago hanguin.
c. Mag prito ng itlog
To assemble:
1. Sa isang plato, maglagay ng tamang dami ng tapa at isang piniritong itlog.
2. Sa isang tasa, maglagay ng nilutong sinangag. Siksikin ito para mabuo ang pagsasalin sa plato.
Ihain ito na may kasamang sawsawang suka na may bawang at sili.
Enjoy!!!

Comments

Anonymous said…
Salamat Sir Dennis for sharing your recipe. Nagbabalak din kami ng partner ko na mag put up ng tapsilogan. Kaya malaking tulong ang ibinahagi nyong kaalaman sa amin. Baka lang po pwede pang humingi ng tulong kung papano mag costing and malaman kung mga ilang grams po ng karne ang isang serving ng tapsilog para sa tamang tubo. Salamat po. Mabuhay po kayo.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy