ADOBONG ATAY BALUN-BALUNAN AT SITAW


Ang Adobo marahil ang maituturing nating pambansang ulam o pagkain. Bakit ba naman? Kahit saang panig ng ating bansa o maging sa mga pinoy na nasa ibang bansa, hindi maaring hindi nila alam lutuin ang adobo. Mapa manok man ito o baboy, isda man o gulay, patok na patok sa atin ang lasa nito.
Kung gagawa ng cookbook, marahil sa adobo pa lang ay makakabuo ka na ng isang buong libro. Napakarami kasing klase, sangkap, pamamaraan ang pwede mong gawin dito. May nabasa nga ako ginawa pa niyang gourmet ang dating ng kanyang adobo.

Kung magkakaroon nga tayo ng pambansang ulam, marahil ay ang adobo ang mangunguna sa pagpipilian.

Marahil kaya naging popular ito sa kahit anong parte n gating bansa ay dahil sa simplicity at hindi komplikadong pagluluto nito. Hindi rin ito madaling mapanis dahil may suka itong sangkap.


ADOBONG ATAY BALUN-BALUNAN AT SITAW

Mga Sangkap:
½ kilo Atay at Balun-balunan ng Manok (cut into bite size pieces)
1 tali Sitaw (cut into 1 inch long)
½ cup Vinegar
½ cup Soy Sauce
1 tbsp. Oyster Sauce
5 cloves Minced garlic
½ tsp. ground black pepper
1 tsp. Brown Sugar
1 tsp. cornstarch
1 tbsp. Cooking oil

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang sa kaunting mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
2. Ilagay una ang balun-balunan dahil mas matagal itong maluto. Halu-haluin.
3. Lagyan ng 1 tasang tubig. Timplahan ng kauting asin. Takpan at hayaang maluto. Maring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan pa hanggang sa lumambot ang balun-balunan.
4. Kung malambot na ang balun-balunan, ilagay ang atay ng manok.
5. Timplahan ng suka, toyo, oyster sauce at paminta.
6. After ng mga 5 minuto, ilagay ang sitaw at brown sugar.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Bossing, as promised, heto na yung Bicol Express ko using lechon. Ni-link ko yung post mo ha! Thanks!

http://notjustafoodblog.blogspot.com/2010/06/lechon-bicol-express.html
Dennis said…
J...anong email add mo? may itatanong lang ako.

Thanks
Dennis said…
J...anong email add mo? may itatanong lang ako.

Thanks
J said…
Email sent bossing!
i♥pinkc00kies said…
i like adobong liver & gizzard.. minsan lang I request na medyo spicy :D
Anonymous said…
This comment has been removed by a blog administrator.
Unknown said…
Maraming salama sa iyo kuya Dennis sa recipe mong adobo atay at balun balunan. Sana marami ka pang matulungan na kagaya kong malayo sa Pilipinas
Anonymous said…
gud pm mglu2to ako ngaun ng recipe mo, sna mgaya ko ang lasa :) slamat.
Dennis said…
Simple lang naman ang dish na ito Anonymous.....the key in this recipes is the oyster sauce and the brown sugar. Thanks for the visit.

Dennis
Anonymous said…
tnx for the tips i hope i can cook it delicious as what i expected. more power
Dennis said…
Salamat po at nagustuhan ninyo.... - Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy