BAKED ALASKA / DULCE DE LECHE
Nito ko lang nalaman na Dulce de leche pala ang tawag dito sa entry natin for today. Noong araw as in my elementary days, Baked Alaska ang tawag namin dito. Gustong-gusto ko itong papakin o kaya naman ay ipalaman sa tinapay o pandesal.
Sinubukan kong gumawa nito after kong mabasa sa isa pang food blog ang tungkol dito. Doon ko din nalaman na Dulce de Leche pala ang tawag dito. Nagbalik tuloy sa aking ala-ala nung araw na gustong-gusto ko ito sa tinapay. Kaya naman gumawa agad ako nito at pinatikim sa aking mga anak.
Ipinalaman ko ito sa tinapay na baon nila sa school at talaga namang nagustuhan nila. nag-worry lang ng konti ang aking asawa dahil masyado daw matamis ito. Well, hindi naman lagi itong kinakain kaya okay lang.
Para gumawa ng Baked alaska o Dulce de Leche, magpakulo ng tubig sa isang kaserola. Dapat lubog dito ang lata ng condensed milk. Kapag kumukulo na ilagay ang lata ng condensed milk at hayaang maluto ito sa loob ng 1-1/2 hanggang 2 oras sa mahina lang na apoy. Maaring lagyan ng tubig pa kung kinakailangan.
Hayaan munang lumamig ang lata bago buksan at kainin.
Masarap din itong ipahid sa sumang malagkit, sa toasted bread o pandesal o kaya naman ay sa puto. Samahan mo pa ng mainit na tsaa o kape ay talaga namang solve na solve ang meryenda mo. Hehehehehe
Enjoy!!!
Comments
Pero masarap siya ha...hinay-hinay lang at may katamisan ito.
Dennis