BEEF in SESAME PEANUT SAUCE



Sa lahat ng klase ng ulam na pwedeng iluto, sa karne ng baka ako nahihirapan na mag-isip kung anong luto ang gagawin. Bukod pa ito sa tagal ng pagpapalambot ditto. At isa pa may kamahalan din ito kumpara sa baboy o manok.

Kaya tuwing baka ang aming uulamin, challenge talaga ito para sa akin.

Katulad na lang nitong entry for today. Impromptu talaga ang luto na ginawa ko ditto. Wala akong pinagbasihang recipe. Basta kung ano ang makita ko sa fridge at sa cabinet naming yun na lang ang ginamit ko. Ang mga nakita ko? Sesame seeds, peanuts, muscovado na asukal.

Ang kinalabasan? Isang masarap na beef dish. Try nyo ito. Masarap talaga.


BEEF with SESAME PEANUT SAUCE

Mga Sangkap:
1 Kilo Beef Brisket (pakuluan hanggang sa lumambot at hiwain ng pa-cubes)
1 cup ground peanuts (giniling sa blender)
½ cup toasted peanuts
1 tbsp. Sesame seeds
2 tbsp. Sesame oil
½ cup Soy Sauce
2 cups Beef broth (pinaglagaan ng baka)
¾ cups Muscovado or Brown Sugar
1 large Onion chopped
4 cloves Minced garlic
1 thumb size Sliced Ginger
Salt and pepper to taste
1 tsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito sa sesame oil ang mga pinalambot na karne ng baka hanggang sa pumula ng kaunti ang mga side nito.
2. Itabi lang sa gilid ang mga karne at igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin.
3. Ilagay ang ground peanuts, muscovado or brown sugar, at sesame seeds.
4. Ilagay na din ang sabaw ng baka, toyo at timplaha ng asin at paminta. Hayaang kumulo hanggang sa kumonte ang sauce nito.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot pa ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy