BRAISED PORK in 5 SPICE POWDER



Here's another simple dish na tiyak kong magugustuhan ninyong lahat. Hindi kailangan na expert ka para mailuto mo ang masarap na pork dish na ito. Okay na okay ito lalo na sa mga maybahay na namamasukan o kaya naman ay pambaon ng mga bata sa school.

Ang key sa dish na ito ay yung spice powder na gagamitin. Ang 5 spice powder ay mga pinaghalong spices na star anise, cinamon, cloves, sichuan pepper at fennel seeds. Yan ay ayon sa wikipedia. hehehehe.

Try nyo ito. Masarap at madaling lang talagang lutuin.

BRAISED PORK in 5 SPICE POWDER

Mga Sangkap:

1 kilo Pork Kasim cut into cubes

2 tsp. 5 Spice Powder

2 tbsp. Oyster Sauce

3 tbsp. Soy Sauce

1/2 cup Brown Sugar

2 Onions quatered

1 head Garlic

1/2 tsp. ground Black Pepper

salt to taste

1 tbsp. Sesame oil

1 tsp. Toasted Sesame seeds

3 pcs. Hard boiled eggs

Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserola,pagsama-samahin ang lahat ng sangkap maliban sa sesame oil, sesame seeds, brown sugar at hard boiled egg.

2. Lagyan ng 2 tasang tubig at hayaang kumulo hanggang sa maluto o lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan o hindi pa malambot ang karne

3. Huling ilagay ang brown sugar at sesame oil.

4. Tikman at i-adjust ang lasa. Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang alat at tamis ng sauce.

5. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng sesame seeds sa ibabaw. Ilagay din sa gilid ang nilagang hinating nilagang itlog.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Cacai M. said…
Wow.. sarap naman.. haven't tried this though I cooked adobo.. ;-) parang adobo lang but differ in spices.. thanks for sharing.. happy food trip!

Here's mine:
My Food Trip: Sauteed Shrimps Paste

See yah.. ;)
J said…
Kuya Dennis, susubukan ko ito. Kasi ang 5-Spice Powder ko ay sa Yang Chow fried rice ko lang nagagamit. Thank you for sharing this recipe!
Dennis said…
No Cacai...mukha lang siyang adobo but the taste was really different.
Dennis said…
Actually J may nabasa din lang ako na recipe na ganito...so ginaya ko lang. Yung original na recipe buong liempo ang ginamit at saka ini-slice.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy