CHICKEN WINGS with CHILI-GARLIC SAUCE


Bihira akong magluto ng mga pagkaing medyo spicy o yung maaanghang. Hindi kasi ito makakain ng mga bata. Kaya naman sinamantala ko ang pagbabakasyon nila sa bahay ng biyenan ko sa Batangas para makapagluto ako ng ganito. Pansin nyo ba na itong mga nakaraan kong entry ay medyo spicy?

Yes, yan ang ginawa kong luto sa chicken wings na nabili ko. Simpleng luto na nilagyan ko ng chili-garlic sauce. Masarap siya. Tamang-tama lang yung anghang at lalong nakakapampagan habang kinakain.


CHICKEN WINGS with CHILI-GARLIC SAUCE

Mga Sangkap:
8 pcs. chicken wings

1 tbsp. Lee Kum Kee chili-garlic sauce

1 tbsp. Soy sauce

1 tbsp. Worcestershire Sauce

1 tsp. brown sugar

3 cloves minced garlic

1 thumb size sliced ginger

1 medium White onion sliced

salt and pepper to taste

1 tsp. Cornstarch


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang chicken wings sa asin, paminta, toyo at worcestershire sauce. Hayaan ng mga 30 minuto.

2. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas.

3. Ilagay ang minarinade na chicken wings kasama ang marinade mix.

4. Lagyan ng 2 tasang tubig at takpan hanggan kumonte ang sabaw ng niluluto.

5. Ilagay ang chili-garlic sauce. Halu-haluin. Ilagay na din ang brown sugar.

6. Tikman at i-adjust ang lasa.

7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
bossing masarap din ang chili-garlic sauce sa adidas (chicken feet). Try mo! :-)
Dennis said…
Ako black beans sauce at sesame oil...Sige try ko din sa adidas...hehehehe

Thanks


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy