PRESIDENT NOYNOY AQUINO - May pag-asa ba?
Sa araw na ito June 30, 2010, iluluklok ng sambayanang Pilipino ang ika-15 pangulo ng Pilipinas. Kaakibat nito ang pag-asa na sa pamamagitan niya ay magkakaroon ng tunay na pagbabago sa ating bansa.
Sa totoo lang, hindi ko ibinoto si President Noynoy. Mas pinagbatayan ko ang karanasan, plataporma at mga nagawa na ng kandito. Oo, idolo ko ang kanyang ama at ina na sina Sen. Ninoy Aquino at dating pangulong Cory Aquino. Pero, para sa akin, hindi automatic na ganun di siya. Sabi nga, hindi namamana ang governance.
Ganun pa man, komo siya ang ibinoto ng nakakaraming mga Pilipino, buo ang soporta ko sa kanyang administrasyon. At bilang pag-suporta, susunod ako sa batas, magbabayad ako ng tamang buwis, at sa munting kong kakayanan ay tutulong ako sa aking kapwa.
Ang pagbabago sa ating bansa ay naguumpisa sa ating mga sarili. Hindi natin pwedeng i-asa lang sa ating pamahalaan ang pagbabago na nais natin. Kung magka-kanya-kanya lang tayo, kahit sinong pangulo pa ang i-upo natin ay ganun pa din tayo.
Huwag na sanang magkaroon pa ng isa pang EDSA para sa pagbabago na nais natin. Kung tayo lamang ay magkakaisa at susuporta sa ating pamahalaan, at kung gagawin naman din nila ang kanilang tungkulin ng buong puso at katapatan, naniniwala ako na may pag-asa pa para sa isang tunay na pagbabago.
Kay President Noynoy Aquino....May pag-asa ba? Meron naman. Basta gawin natin ang ating tungkulin at bahagi ng isang tunay na magiting na Pilipino. Sabi ko nga, ang pagbabago ay dapat nating simulan sa ating sarili. Otherwise, huwag na tayong umasa pa na may pagbabago na magaganap sa ating bansa.
Kay President Noynoy Aquino....May pag-asa ba? Meron naman. Basta gawin natin ang ating tungkulin at bahagi ng isang tunay na magiting na Pilipino. Sabi ko nga, ang pagbabago ay dapat nating simulan sa ating sarili. Otherwise, huwag na tayong umasa pa na may pagbabago na magaganap sa ating bansa.
MABUHAY ANG BAGONG PRESIDENTE NOYNOY AQUINO!!!!!
Comments