SINAING NA TULINGAN
Kagaya ng naipangako ko sa inyo, narito ang recipe ng sinaing na tulingan gamit ang pinatuyong kamias. Alam nyo bago ko ginawa ito ay nagpaturo muna ako sa aking biyenan ng tamang pagluluto nito. Ang naiba lang sa turo niya ay ang ginamit kong lutuan. Sa palayok kasi niya ito niluluto. Komo wala naman kaming ganun sa bahay, ordinaryong kaserola na lang ang ginamit ko.
Pwed din kayong gumamit ng ibang isda. Pwede din ang galunggong. Pero iba talaga ang tulingan. Malasa kasi ang isdang ito.
Also, after nyo itong isaing, pwede ding i-prito nyo ito. Masarap talaga ang kakalabasan. Kung sinaing naman, masarap kainin ito after 1 to 2 days. Mas nanunuot na kasi yung asim ng suka at kamias sa isda.
SINAING NA TULINGAN
Mga Sangkap:
1/2 kilo Isdang Tulingan
1/2 cup Vinegar
1/2 cup Dried Kamias
6 cloves Minced Garlic
Salt to taste
2 cups water
1 tsp. Maggie magic Sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang isda at lagyan ng hiwa o gilit na palihis sa katawan ng isda.
2. I-press ang isda gamit ang kamay para mapirat ng kaunti.
3. Sa isang kaserola, ilagay sa base nito ang kalhati ng dried na kamias.
4. Ihilera ang isda sa kaserola.
5. Timplahan ng asin, bawang, paminta at magie magic sarap. Ilagay na din ang 2 tasang tubig at maggie magic sarap. Ilagay sa ibabaw ang natira pang dried na kamias.
6. Lutuin o pakuluan hanggang sa mag-half na ang sabaw nito.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
Masarap ihain ito kinabukasan na o 2 days after na maluto.
Enjoy!!!!
Comments
Yup masarap talaga yung mga ilang araw na at saka mo ipi-prito. Winner!!!!
Dennis