STUFFED CHICKEN BREAST with PARSLEY and CHEESE


Hindi ko alam kung may ganitong luto ng chicken breast fillet. Basta nabuo na lang sa isip ko ang dish na ito. Actually, para siyang chicken cordon bleu pero hindi ham ang palaman nito.

Ito nga pala ang baon ng aking mga anak sa kanilang 1st day in school. Ginawa kong espesyal ang baon nila sa 1st day nila sa school para naman ganahan silang mag-aral. Hehehe….


STUFFED CHICKEN BREAST with PARSLEY and CHEESE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast Fillet (hiwain sa gitna na lalagyan ng palaman)
1 cup Chopped Parsley
1 cup Grated Cheese
1 tbsp. Olive oil
½ Lemon (Juice)
Salt and pepper to taste
1 egg beaten
2 cups Casava flour or All purpose flour
2 cup Cooking oil

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chiken breast fillet sa katas ng lemon, asin, paminta at ginadgad na balat ng lemon. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Paghaluin ang chopped parsley, grated cheese, olive oil at kaunting paminta.
3. Ipalaman ito sa hiniwaang bahagi ng chicken breast.
4. Sa isang non-stick na kawali, painitin ang mantika.
5. Ilubog sa binating itlog ang pinalamanang manok at saka ilubog naman sa cassava flour o harina.
6. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
7. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel para maalis ang sobrang mantika.

Ihain ito kasama ang sawsawang pinaghalong mayonnaise, minced garlic, kaunting asin at paminta.

Enjoy!!!!

Comments

Lady Patchy said…
mukhang masarap at madali lang gawin.

ganda ng bago mong template.
Iska said…
Wow! Mukhang masarap nga ito, Dennis. Medyo similar ito sa nakita ko sa Masterchef. Might give this a try one of these days :-)
Dennis said…
Yes tatess...madali lang itong gawin at masarap talaga. kakaiba kumpara sa regular na fried chicken na kinakain natin.

Thanks my friend
Dennis said…
Thanks Iska....hindi lang maganda ang pagkakuha ng picture...medyo nagluluko na din kai yung digicam na ginagamit ko....kailangan na ng kapalit....hehehehe

Dennis
Anonymous said…
pwede rin po itong i-bake... paborito rin po ito ng aking panganay, though ang sa min, wala pong parsley, cheese basta po marami oks na oks na ;)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy