TUNA PINEAPPLE PASTA


Nitong nakaraang Father's Day. Although it's my Day...hehehehe, nagluto pa rin ako ng espesyal na breakfast para sa aking pamilya. Nakakasawa na din ang paulit-ulit na almusal natin sa umaga kaya naman pasta dish at pandesal ang inihanda ko.
Nakuha ko ang idea sa dish na ito noong nag-work ako sa Balanga, Bataan. May natikman akong spaghetti na may halong pineapple tidbits. Nagustuhan ko naman kasi naghahalo yung asim at tamis ng pinya at tomato sauce. At para mas healthy komo father's day nga, corned tuna ang ginamit kong sangkap kasama ng pineapple chunk.
Masarap naman at nagustuhan ng aking asawa at mga anak. Try nyo din.
TUNA PINEAPPLE PASTA
Mga Sangkap:
1/2 kilo Spaghetti pasta (cooked al dente)
2 cans Century Corned Tuna
2 cups Pineapple tidbits or chunks
2 pouch Del Monte Tomato Sauce
1 cup Grated Cheese
2 tbsp. Olive oil
1 head Minced garlic
2 medium chopped onion
1/2 cup Chopped Parsley
1 tbsp. brown sugar
Salt and pepper to taste

Paraan ng Pagluluto:
1. Lutuin ang spaghetti ayon sa tamang pamamataan. Huwag i-overcooked
2. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3. Ilagay ang pineapple tidbits at corned tuna.
4. Ilagay na din ang tomato sauce at timplahan ng asin, paminta at brown sugar. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
5. Ilagay ang grated cheese at chopped parsley.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ihalo ang sauce sa nilutong pasta.
8. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan muli ng grated cheese at chopped parsley sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!! . . . .

Comments

Lannie said…
Hi Dennis! Oks sa timing. Kaka-post ko lang din ng canned tuna-based recipe ko :)
http://homecookingdiva.com/tuna-spring-rolls-tuna-lumpia

Check it out and try mo din!
J said…
Hindi ako mahilig sa pinya, kaya iimaginin ko na lang ang lasa nito hehehe. Btw, ang ganda ng background ng template mo kuya!
Dennis said…
Lannie....nasa favorite ko ang foodblog mo...for sure mata-try ko yan...hehehehe.

Thanks
Dennis said…
Thanks J.

Healthy ang pasta dish na ito....you should try....hehehe


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy