BEEF PICADILLO



Ang Beef Picadillo ay isang dish na tanyag na tanyag sa Mexico at sa mga bansa sa Latin America. Kinakain nila ito na may kasamang beans o kaya naman ay fita bread.

Dito sa atin sa Pilipinas, sa pagkaalam ko, dalawang klase ang picadillo. Yung isa ay parang soup at yung isa naman ay katulad nitong entry natin for today.

Natatandaan ko naman noong araw, kapag nagluto ng picadillo ang aking Inang, parang sinigang siya na giniling nab aka na may sahog na sitaw at labanos. Yun ang kinalakihan ko na picadillo. Nito ko lang nalaman na ang picadillo pala ay para rin yung nabibili natin sa carenderia na giniling na baboy na may pareho ding sangkap.

Well, kahit alin pa ang picadillo na nalalaman natin, isa lang ang masasabi ko, masarap ito at madali lang lutuin.


BEEF PICADILLO

Mga Sangkap:
½ kilo Ground Beef
2 cups Mix Vegetables (Peas, Carrots, Corn)
3 pcs. Medium Potatoes (cut into small cubes)
½ cup Red bell pepper diced
250 grams Tomato Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Red Onion chopped
1 pc. Large Tomato chopped
½ tsp. Dried Thyme
½ cup grated Cheese
½ tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
2 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.
2. Ilagay na ang giniling nab aka at timplahan ng asin, paminta at dried thyme. Halu-haluin.
3. Kung nawala na ang pagka-pink ng giniling, ilagay na ang diced potatoes. Halu-haluin at hayaan ng mga 5 minuto.
4. Ilagay na ang tomato sauce, red bell pepper at mix vegetables. Hayaan ng mga 2 minuto.
5. Ilagay ang grated cheese at Maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Cecile said…
wow, mukhang masarap tong dish mo ah...di ko pa na try yan eh...
Dennis said…
Masarap talaga Cecile.....okay ito sa kanin o kaya naman sa bread....
Anonymous said…
SIR! hehe, eto na naman ako!! http://tinytincan.wordpress.com/2010/07/26/beef-picadillo/

Thanks for sharing! I think I'd gain weight just right before my wedding! :D

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy