CRISPY CALAMARES
No...hindi ako nagkamali ng post ng picture na nasa itaas. Calamares talaga yan. Akala nyo siguro ay chicken nuggets ano? Hehehehe. Explain ko kung bakit ganyan ang itsura.
Ang madalas siguro na nakikita natin na calamares ay yung squid rings. Yes, nung unang bese na nagluto ako nito ay napalpak. Bukod sa malata ang kinalabasan ay umurong pa ng husto ang pusit. Kaya naman nitong pangalawang beses na nagluto ako ito, tinandaan ko na ang mga pagkakamali ko. Una, dapat hindi masabaw o matubig ang pusit na lulutuin. Maaring dampian ito ng paper towel para maalis ang extrang tubig. Pangalawa, hindi yung squid rings ang ginamit ko dito. Ang ginamit ko ay yung malalaking pusit na nahiwa na nang pa-strip. tong ginamit ko dito ay nabili ko sa SM Supermarket.
Try nyo ito. Nagustuhan talaga ng mga bata. Masarap itong appetizer, pang-ulam o kaya naman ay pulutan.
CRISPY CALAMARES
Mga Sangkap:
1/2 kilo Large Squid/Pusit (cut into strips or rings)
1 egg beaten
1 tsp. Katas ng luya
Juice from 1/2 Lemon
1 cup Flour
2 cups Japanese Bread crumbs
Salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie magic Sarap
Cooking oil for frying (dapat mga 1 inch ang lalim sa kawali)
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang pusit sa katas ng luya at lemon, at timplahan ng asin,paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 5 minuto.
2. Sa isang bowl, pagsamahin ang harina at binateng itlog hanggang sa makagawa ng batter. Timplahan ng kaunting asin at paminta.
3. Sa pamamagitan ng paper towel, tuyuin ang minarinade na pusit.
4. Pakuluin na ang mantika sa kawali.
5. Itubog ang pusit sa batter, i-gulong sa japanese bread crumbs at saka ihulog sa kumukulong mantika.
6. Hayaang maluto hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
7. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain na may kasamang mayonaise na may catsup o kaya naman ay suka na may kauting asin at sili.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis