FISH FILLET with CREAMY SAUCE


Dapat sana kasama ito sa handang iluluto ko para sa birthday ng asawa kong si Jolly. Pero komo nga nagahol na ako sa oras hindi ko na lang ito itinuloy. Niluto ko na lang ito as baon ng mga bata sa school. Ito na din ang naging dinner namin that day.

Ang dish na ito ay isa sa mga paborito ng aking asawa. Kapag naa-assign nga siya sa branch nila sa Alabang, nire-request nila na ipagluto ko sila nito. Nakakatuwa naman at nagugustuhan nila ang luto ko.


FISH FILLET with CREAMY SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Fish fillet (any white fish: tuna, lapu-lapu, dory)

Juice from 1 pc. Lemon

1 tsp. Lemon Zest

Salt and pepper to taste

1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)

2 cups All Purpose Flour

1 egg beaten

cooking oil for frying

For the Sauce
1 small can Alaska Evap (red label)

1/2 cup Parsley (finely chopped)

1/2 cup Butter

2 tbsp. Flour

Salt and Pepper to taste

1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)

Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang fish fillet sa asin, paminta, lemon zest at katas ng lemon. Hayaan ng mga 30 minuto. Mas matagal mas mainam.

2. Hiwain ang isda sa nais na laki. Ilagay sa isang bowl.

3. Ilagay ang binating itlog at halu-haluin.

4. Sa isang plastic bag, ilagay ang harina at fish fillet. Lagyan ng hangin ang loob ng plastic bag...isara at alu-alugin sa loog ang fish fillet hanggang sa ma-coat ang lahat ng harina.

5. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.

6. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

For the Sauce:

7. Alisin ang mantika sa kawali at palitan ng butter
8. Ilagay ang harina at halu-haluin.

9. Ilagay na din agad ang alaska evap at patuloy na haluin para hindi mamuo ang harina. maaring lagyan pa ng gatas hanggang sa makuha ang tamang lapot ng sauce.

10. Ilagay ang chopped parsley at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.

Ihain ang nilutong fish fillet kasama ang creamy sauce.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy