FRIED CHICKEN with HONEY-SOY GLAZED
Paborito ng mga anak ko ang fried chicken. Kahit ako. Paborito ko ito lalo na kung malutong ang pagkaluto ng balat…..hehehehe.
Pero kung minsan, nakakapag-isip ka kung papaano mo pa ito mapapasarap. Nariyan na ang mag-research sa internet para makuha lang o magaya ang paborito nating fried chicken sa mga sikat na fastfood chain.
Ofcourse, iba na rin yung original…hehehehe. Kagaya nitong entry natin for today. Hindi ko alam kung may ganitong recipe na at hindi ko inaangkin na ako ang original sa recipe na ito. Pero ang masasabi ko, masarap ito at talaga namang nagustuhan ng mga anak ko. Ito pala ang baon nila nitong nakaraang araw sa school.
FRIED CHICKEN with HONEY-SOY GLAZED
Mga Sangkap:
5 pcs. Chicken Leg Quarter (cut each leg into 2)
Juice from 1 pc. Lemon
1 tsp. Lemon zest
Salt and pepper to taste
1 cup Flour
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Cooking oil for frying
2 tbsp. Butter
½ cup Pure Honey
½ cup Soy Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta, katas ng lemon, lemon zest at Maggie magic sarap. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Magpakulo na ng mantika sa isang kawali.
3. Sa isang plastic bag (dapat walang butas), ilagay ang manok at harina. Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng harina ang lahat ng manok.
4. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
5. Alisin ang mantika sa kawali.
6. Ilagay sa kawali ang butter, brown sugar at toyo. Hayaang kumulo.
7. After ng mga 2 minuto, ilagay ang honey. Halu-haluin.
8. Ilagay ang piniritong manok at hayaang ma-coat ng sauce. Halu-haluin hanggang sa kumonti na lang ang sauce.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments