HONEY-LEMON-GINGER CHICKEN

Isa ito sa mga dish na gustong-gusto ko. Kaya naman isinama ko siya sa handa nitong nakaraang birthday ng asawa kong si Jolly. Bukod kasi sa talaga namang masarap, madali pa itong lutuin. May kakaiba siyang lasa na talaga namang swak sa kahit kaninong panlasa.
Hindi naman ako napahiya sa mga bisita. Nagustuhan naman nila ang chicken dish na ito.

HONEY-LEMON-GINGER CHICKEN
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Drumstick
1/2 cup Pure Honey
Juice from 1/2 Lemon
1 tsp. Lemon zest
1/2 cup Soy Sauce
2 tbsp. Ginger cut into strips
2 tbsp. Brown sugar
1 tsp. Sesame oil
salt and pepper to taste
2 tbsp. Chopped parsley

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta, lemon juice at lemon zest. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Sa isang non-stick pan, i-hilera ng ayos ang mga hita ng manok at isalang sa kalan. Lutuin hanggang sa pumula ng konti ang balat ng manok.
3. Ilagay ang hiniwang luya at halu-haluin.
4. Ilagay na din ang toyo, brown sugar at 1 tasang tubig. Hayaang kumulo para maluto pa ang manok. Maaring takpan.
5. Kung kakaunti na ang sauce, ilagay ang honey at sesame oil. Hinaan ang apoy ng kalan at halu-haluin hanggang sa ma-coat ang lahat ng manok ng honey at toyo.
6. Hanguin sa isang lalagyan at budbudan sa ibabaw ng chopped parsley.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments

J said…
Naku, may aabangan na naman ang mister ko. Mahilig kasi sa ginger yun hehehe. Thanks for sharing your recipe, kuya!
Dennis said…
Thanks J....Tiyak ko na magugustuhan ng hubby mo ang dish na ito just like me.

Dennis
RCOOKER said…
Sir Dennis everyday po talagang nakakakuha ako rito ng mga bagong recipe, ask ko lang po dito sa honey-lemon-ginger chicken ninyo, kung ano po ang ibig sabihin ng "LEMON ZEST"
Dennis said…
@ RCooker.... lemon zest..yung balat ng lemon yun na ginadgad ng pinong-pino. It adds flavor sa dish na lulutuin.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy