MY WIFE JOLLY'S 2010 BIRTHDAY

Birthday ng asawa kong si Jolly yesterday, July 17. Kahit medyo mahigpit ang budget, ipinaghahanda ko pa din siya bilang pasasalamat sa isa na namang taon sa kanyang buhay.
Natatandaan ko kasi nung araw, kahit mahirap ang buhay namin ipinaghahanda kami ng aking ina tuwing dumarating ang aming kaarawan. Kahit simple lang mayroon talagang handa basta birthday namin.


Ayaw na ngang mag-handa ng aking asawa pero sabi ko mainam yung kahit papaano ay may pagsasaluhan kasama ang pamilya at malalapit ng kaibigan. Nasa itaas ang mga naihanda kong pagkain: Pan-grilled liempo, kanio-cucumber spring roll, honey-lemon-garlic chicken, chicken liver, gizzard in mic vegetables, and shirmp and aligue pasta. (Abangan ang nga recipe nito sa darating na mga araw)

Kahitna napagod ako sa pagluluto, sulit naman dahil nagustuhan ng aking asawa ang aking mga niluto.

Tingan nyo naman, kahit pagod na, todo ngiti pa rin sa picture...hehehehe

Maghapon ang birthday celebration. Lunch time, sina mareng Beng at kanyang mga anak at si Doc Jinky ang aming unang bisita. Sayang hindi nila natikman ang talagang handa. Last minute kasi ko nalaman na lunch sila pupunta. Ang naihanda ko lang sa kanila ay Aligue rice, inihaw na liempo at spritey chili-garlic prawn.

Sarap naman ng cake na dala nila. Double dutch na cake.

Ang ilan sa bisita ng may birthday: from left, Match, Jenna, Mareng Jors, Kuya Reggie, Ate Lau, his son Glen and maeng Yolie.
The boy in white is Angelo and the girl on the right Josie.


Kahit nakakapagod, okay lang, nsiyahan naman ang mga mahal ko sa buhay. At isa pa, dumating ang mga tunay naming mga kaibigan.

Natapos ang celebration 12:30 ng gabi. Salamat at nasiyahan ang lahat.
Dalangin ko sa Diyos na sana ay bigyan pa ng maraming kaarawan ang aking asawang si Jolly para makasama pa namin siya ng matagal. Bigyan naman iya ng lakas at kalusugan ng katawan, at lagi nawa siyang iingatan sa araw-araw. Amen

Comments

Happy Birthday to the luckiest woman in the world who married to the best cook in the world. :)
J said…
Happy birthday po kay Ate Jolly! At aabangan ko talaga ang mga recipe ng mga niluto mo kuya hehehe.
Dennis said…
Thanks Foodtripfriday....over naman ata yung title na binigay mo sa akin....hehehehe
Dennis said…
J...abangan mo yung mga recipe...medyo masama pakiramdam ko ngayon....nasobrahan siguro sa pagod last Saturday....hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy