LECHON KAWALI version 2


One of my favorite dish ang Lechon Kawali. Ofcourse the best pa rin ang real na lechon. Hehehehehe. Komo may kamahalan ang totoong lechong baboy, lechong kawali ang pwedeng ipalit.
May entry na ako sa archive for lechong kawali. Kung baga, itong entry ko for today is the improved version.
Sa pagluluto ng lechong kawali, importante kung papaano mo ito papakuluan o palalambutin. Pwede tayong gumamit ng kung ano-anong herbs and spices para mas sumarap ang ang lechon. Di ba ang lechon Cebu ganun ang ginagawa? Kaya naman panalo talaga ang lasa ng lechon nila.
Also, ini-sliced ko ng mga 1/2 inch ang kapal ng liempo bago ko ito pinirito. Ginawa ko ito para mas maging crispy ang laman at balat ng liempo.
Isa pa, huwag kakalimutan na i-freezer muna ang pinalambot na liempo bago i-prito. Sa pamamagitan nito hindi masyadong matilansik ang mantika habang pini-prito.

LECHON KAWALI version 2

Mga Sangkap:
1.5 Kilo Liempo (Piliin yung hindi masyadong makapal ang taba)
3 pcs. Dried Laurel leaves
1 tsp. Dried Rosemary
1 tsp. Whole Pepper corn
1/2 cup Rock salt or more

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng sangkap at lagyan ng tubig. Dapat nakalubog ang karne sa tubig.
2. Pakuluuan ito hanggang sa lumambot.
3. Palamigin at ilagay sa pinakamalamig na parte ng freezer. Mas mainam na naka-freezer ito ng mga 2 araw bago lutuin.
4. From the freezer, i-prito ito ng lubog sa kumukulong mantika. Takpan ang kawali o kaldero para hindi tumilansik ang mantika.
5. Maaring lagyan ng tubig ang pinirito para mag-pop ang balat at para mas malutong ito.
6. Lutuin hanggang sa pumula ang balat.
7. Hanguin...palamigin...at hiwain ayon sa nais na laki.

Ihain na may kasamang Sarsa ng lechon o kaya naman ay suka na may calamansi, toyo at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Lady Patchy said…
ahaha! lulutuin ko ito pag uwi ko ng pinas ,sooonn...
Dennis said…
Uy! kailan ka uuwi? pasalubong ha....hehehehehe
J said…
I tried frying lechon kawali, and it made a mess in my kitchen! As in puro mantika kahit saan hehe. So I learned my lesson - ino-oven ko na lang haha.
Dennis said…
J...subukan mo yung payo ko.....i-freezer mo muna ng mga 2 hanggang 3 araw yung pinalambot na liempo saka mo siya i-prito sa kumukulong mantika. Yung heavy bottom na kaldero ang gamitin mo na may takip. Tingnan mo hindi siya magkakaganyan....hehehehe. Also, yung manipis lang ang taba ng liempo na bilhin mo. Yung taba kasi ng baboy ang nagpapatilansik sa mantika.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy