LUMPIANG SHANGHAI - My Other Version


Ang lumpia ay isa sa mga pangkaraniwang pagkain na katulad ng adobo ay napaka-versatile. Bakit ko nasabi yan? Katulad ng adobo, marami itong version o paraan man ng pagluluto. Ang nakakatuwa pa sa lumpia, kahit na ano pwede mong ipalaman dito. Kung ikaw ay medyo nagba-budget sa inyong pagkain, ito ang isa sa masasabing kong matipid na pang-ulam. Bakit naman? Sa kalhating kilo na giniling na baboy ay marami ka nang magagawang lumpia.

Mapapansin nyo na marami na din akong nai-post na version ng lumpiang ito. Gusto ko lang i-share sa inyo ang isa pang version na hindi naman ako mapapahiya sa lasa at sarap nito.


LUMPIANG SHANGHAI – My Other Version

Mga Sangkap:
½ kilo Giniling na Baboy
½ cup Red/Green Bell Pepper (hiwain ng maliliit)
1 large White Onion (finely chopped)
5 cloves Minced Garlic
½ cup Fresh Basil Leaves (finely chopped)
1 pc. Egg beaten
1 pc. Egg (paghiwalayin ang puti at pula. Ilagay yung pula sa paghahaluing mga sangkap. Yung puti naman ay gagamitin na pandikit sa edge ng lumpia)
2 tbsp. Cornstarch or Flour
1 Tbsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie magic Sarap
½ cup Grated Cheese
40 pcs. Lumpia wrapper (small)
Cooking oil for frying

Paraan ng Pagluluto
1. Sa isang bowl paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa lumpia wrapper, cooking oil at puti ng itlog. Hayaan muna ng mga 15 minuto.
2. Balutin ang lumpia na may 2 inches na haba.
3. Lagyan ng puti ng itlog ang gilig ng lumpia wrapper para maisara ito.
4. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
5. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel

Ihain kasama ang inyong paboritong catsup o kaya naman ay sweet chili sauce.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Ayos to kuya kasi may cheese at bell pepper. Mukhang msarap!
Dennis said…
Tama ka dyan J...yung sweet bell pepper ang ginamit ko...so parang pizza ang dating nitong lumpia na ito....hehehe
Anonymous said…
hello po katulad ng iba kong mga friends pabalik-balik din ako dito sa blog nyo :) mahilig din po kasi ako magluto ahihihi i hope you dont mind add ko din po kayo sa mga links ko, have a good day, god bless :)
Dennis said…
Thank iamabhie at nakakatulong itong foodblog ko sa iyo.

No problem kung i-link mo ako..gusto ko nga tyun eh....Share mo din sa iba mo pang mga friends ang foodblog kong ito.

Thanks again


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy