PINOY MENUDO
Sa amin sa Bulacan hindi mawawala ang Menudo kapag may mga espesyal na handaan katulad ng binyagan, kasalan, fiesta o kahit birthday man. Kung sa Batangas ay caldereta, sa amin sa Bulacan ay itong menudo.
Ang hindi ko lang talaga makuha ay kung paaano nila ito niluluto at yung mga sangkap na ginagamit dito. Ang alam ko lang ay yung pangkaraniwan na luto na para ding afritada. Kahit ganun pa man, masarap pa din ang kinalabasan ng menudo kong ito. Masarap ito i-ulam sa kanin o kaya naman ay sa tinapay.
Tinawag ko pala itong Pinoy Menudo kasi nung i-check ko sa Google ang word na Menudo, may ibang klase palang menudo sa Mexico. Malayong-malayo ito sa menudong alam ko kaya naman nilagyan ko na lang ng pinoy sa title. hehehehe. But anyway, masarap ito kung kakaunti lang ang sauce, pero komo gusto ng mga anak ko na ma-sauce dahil nilalagay nila sa kanin nila, ma-sauce ang version kong ito.
PINOY MENUDO
Mga Sangkap:
1 kilo Pork kasim
1/2 kilo Pork Liver
1 large Carrot
1 large Potato
1 cup Green Peas
1 cup Green/Red Bell pepper
2 cups Tomato Sauce
1/2 cup Vinegar
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Ground Black pepper
1 tsp. Dried Thyme or Oregano
1 large Tomato chopped
1 large Onion chopped
5 cloves Minced garlic
1 tsp. Maggie magic Sarap (optional)
Salt to taste
Note: Hiwain ang karne ng baboy, atay at mga gulay into cubes. Dapat magkakasing laki ang hiwa.
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta, suka at toyo ng mga 1 oras.
2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika o olive oil. Halu-haluin.
3. Ilagay ang minarinade na karne ng baboy. Takpan at hayaang maluto. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay ang patatas, carrots, red bell pepper at dried thyme. Ilagay na din ang tomato sauce. Halu-haluin.
5. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay ang atay ng baboy, maggie magic sarap at green peas.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Hayaan hanggang sa maluto ang atay ng baboy.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks J
kakaibang lasa yung dried thyme,different from the usual timpla ng menudo.