PINOY MENUDO


Sa amin sa Bulacan hindi mawawala ang Menudo kapag may mga espesyal na handaan katulad ng binyagan, kasalan, fiesta o kahit birthday man. Kung sa Batangas ay caldereta, sa amin sa Bulacan ay itong menudo.

Ang hindi ko lang talaga makuha ay kung paaano nila ito niluluto at yung mga sangkap na ginagamit dito. Ang alam ko lang ay yung pangkaraniwan na luto na para ding afritada. Kahit ganun pa man, masarap pa din ang kinalabasan ng menudo kong ito. Masarap ito i-ulam sa kanin o kaya naman ay sa tinapay.

Tinawag ko pala itong Pinoy Menudo kasi nung i-check ko sa Google ang word na Menudo, may ibang klase palang menudo sa Mexico. Malayong-malayo ito sa menudong alam ko kaya naman nilagyan ko na lang ng pinoy sa title. hehehehe. But anyway, masarap ito kung kakaunti lang ang sauce, pero komo gusto ng mga anak ko na ma-sauce dahil nilalagay nila sa kanin nila, ma-sauce ang version kong ito.


PINOY MENUDO

Mga Sangkap:

1 kilo Pork kasim

1/2 kilo Pork Liver
1 large Carrot

1 large Potato

1 cup Green Peas

1 cup Green/Red Bell pepper

2 cups Tomato Sauce

1/2 cup Vinegar

1/2 cup Soy Sauce

1 tsp. Ground Black pepper

1 tsp. Dried Thyme or Oregano

1 large Tomato chopped

1 large Onion chopped

5 cloves Minced garlic

1 tsp. Maggie magic Sarap (optional)

Salt to taste

Note: Hiwain ang karne ng baboy, atay at mga gulay into cubes. Dapat magkakasing laki ang hiwa.


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta, suka at toyo ng mga 1 oras.

2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika o olive oil. Halu-haluin.

3. Ilagay ang minarinade na karne ng baboy. Takpan at hayaang maluto. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.

4. Kung malambot na ang karne, ilagay ang patatas, carrots, red bell pepper at dried thyme. Ilagay na din ang tomato sauce. Halu-haluin.

5. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay ang atay ng baboy, maggie magic sarap at green peas.

6. Tikman at i-adjust ang lasa.

7. Hayaan hanggang sa maluto ang atay ng baboy.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
I will try this without atay. Kasi hindi kakainin ng asawa ko hehehe.
Dennis said…
Yah it's okay....You can put also, sausages or hotdogs.

Thanks J
cathyvean said…
tried this one yesterday for lunch.it's really good,nagbigay ng
kakaibang lasa yung dried thyme,different from the usual timpla ng menudo.
cathyvean said…
This comment has been removed by the author.
Anonymous said…
iba kasi way of cooking ng nga bulakenyo hindi lang ginigisa kailangan muna isang kutsa. kaya kung mapapansin mo sa mga handang bulakenyo bisperas o araw bago ang handaan nag kakatay na ng baboy at manok tapos isasangkutsa na ito kinabukasan sya igigisa kasama ang mga sahog na patatas atbp pati ang sarsa. sorry hindi pwede ibahagi ang sekreto ng pagsankutsa hahaha lol . Proud Bulakenyo mula sa bayan ng Queen of Philippine Cooking Mama Cita
Dennis said…
Uy alam ko yug pag-sangkutsa ha......hehehehe. ginagawa kasi yun para madaling maluto ang pagkain at para bagong luto pa pag inihain na. Kapag may mga sauce kasi ang ulam madali itong mapanis kaya hindi pwede na bisperas ito lulutuin. Kay pumapasok dito si sangkutsa...hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy