SPAM PASTA with CREAMY LIVER SAUCE
Tuwing Sabado o Linggo, pinipilit kong makapagluto ng breakfast na hindi yung pangkaraniwang almusal na kinakain natin sa araw-araw. Itlog, longanisa, tocino, tuyo, luncheon meat, canned tuna, coned beef at marami pang iba. Nakakasawa na din kasi kung ganito ng ganito ang ating kinakain natin. Ang it's a challenge everyday kung ano ang ipakakain nating almusal sa ating pamilya.
Kagaya na lang nitong nakaraang Linggo. Nagluto ako ng pasta dish na hindi ko alam kung may recipe talaga na ganito. It's almost similarsa carbonara pero evaporated milk ang ginamit ko dito. Also, gumamit ako ng liver spread para mas lumasa pa ang sauce.
Try nyo ito. Kakaiba at masarap.
SPAM PASTA with CREAMY LIVER SAUCE
Mga Sangkap:
1/2 kilo Spaghetti pasta (cooked according to package direction)
1 can Spam (cut into small cubes)
250ml tetra brick Alaska Evap (red label)
1 small can Reno Liver Spread
4 cloved minced garlic
1 large White onion chopped
2 tbsp. Olive oil
1/2 tsp. Dried Basil
1/2 tsp. Maggie magic Sarap
1/2 cup grated Cheese
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang pasta according to package directions. Huwag i-overcooked. I-drain.
2. Sa isang kawali o non stick pan, i-prito ang spam sa olive oil hanggang sa pumula ito. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Igisa ang bawang at sibuyas at saka ilagay ang Alaska evap.
4. Ilagay na din ang liver spread at timplahan ng asin, paminta, dried basil at maggie magic sarap.
5. Halu-haluin hanggang sa medyo lumapot ang sauce.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay sa sauce ang kalhati ng nilutong spam at ilagay na din ang pasta.
8. Haluin hanggang sa malagyan lahat ng pasta ng sauce.
9. Hanguin sa iang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natirang spam at grated cheese.
Ihain kasama mainit na pandeal o kaya naman ay toasted bread.
Enjoy!!!!
Comments